Chapter XXXVI : i love you
( third person )
"You can't have her as long as i am alive."
Tila isang deklarasyon ng gyera ang mga salitang iyon ni Black.
Close your eyes, querida!
Huh?
Just do it. Now.
Pumikit naman agad si Lavender nang marinig ang sinabing iyon ni Black sa isip nya.
Hindi na nya alam ang mga sumunod na nangyari. Nanatili syang nakapikit at mahigpit pa ring hawak ni Black ang mga kamay nya.
Halos sabay sabay na sumugod ang mga orders kay Black.
Pero hindi pa man dumidikit ang mga ito sa kanya ay nagiging abo na sila.Ganun kalakas ang kapangyarihang taglay ng Black Blood Emperor.
Natigilan ang iba sa pag sugod.
"Hindi ko gustong gawin pero kailangan."
He said in a language that no one understands.
Natigilan ang mga natirang bampira na naroon sa pagsugod. Pero bakas pa rin sa mga mukha nila ang pagnanais na paslangin sya.
Nagpapakiramdaman. Nag aalangan. Naninimbang. Nagsisiguro. Batid nilang lahat na kayang kaya silang lahat na tapusin ni Black sa isang iglap lang.
"This is enough. Just leave now. Just go."
Maya maya ay nasabi na lang ni Ysbarro. Batid nyang wala silang laban sa emperor. Tinignan nya ang nakapikit na si Lavender sa likod ni Black.
Until she's not yet fully awaken, we can't do anything.
Ysbarro said to everyone through their minds. Na tila nagpakalma sa kanila.
Hinarap ni Black si Lavender. Nakapikit pa rin ito nang pangkuin nya at sa isang iglap ay nawala silang dalawa sa paningin ng lahat ng nasa silid na iyon.
"Shit this!"
Inis na bulalas ni Magenta.
"Wag kang mag alala, prinsesa. Maisasalin din natin ang dugo ng empress sa iyo. At nararamdaman kong nalalapit na iyon."
Sabi ni Heidi na bigla na lamang ding lumitaw sa tabi ni Magenta.
"Naiinip na ako, sa totoo lang. But, well, the orders are doing their job well. Kaya, sige, maghihintay pa ako."
Lumabas na ng silid na iyon si Magenta kasunod si Heidi. Naiwan naman ang iba upang pag usapan ang mga susunod nilang hakbang.
***
Samantala.
"Aray ko naman Higuchi,, dahan dahanin mo naman pwede."
"Tantanan mo ako ng kaartehan mo Lelouch. Di uubra sakin yan."
At lalo pang diniinan ni Chloe ang pagpapahid ng gamot sa sugat ni Axel sa balikat mula sa silver bullet.
"Sadista ka talaga."
"At ikaw masokista."
Natigilan sila pareho ng may maalala. Isang tao lang ang naalala nila ng mga oras na iyon.
"Do you think he got her already?"
"I hope so."
Muling namayani ang katahimikan.
BINABASA MO ANG
TRUE COLORS
VampiroViolet, White, Blue, Red, Gray, Pink, Green, Indigo, Black, Fushia, Brown, Magenta, Hindi po yan color ng crayola,,yan po ang mga pangalan ng myembro ng pamilyang titirhan ko,,meet the Lestat family,,at anong meron sa pamilyang yan?,,malalaman ko r...