CHAPTER XXXV

142 12 7
                                    

Chapter XXXV : troublesome

" Welcome back your highness."

" Welcome home your majesty."

" Maligayang pagbabalik, kamahalan."

Yan ay ilan lang sa mga pambungad na bati sa akin ng mga nilalang na nakaupo palibot sa isang pabilog na malaking puting mesa sa loob ng tila conference room na pinasukan namin ni Heidi.

" Empress Estrell Lestat. We're so glad to finally found you."

Sabi nang may edad na lalaki na syang sumalubong sa akin.

Nagpalingon lingon ako sa kaliwa't kanan ko. Pati na sa bandang likuran ko. Wala na si Heidi sa tabi ko. Ewan kung nasan na.

E kung ganun sino ba yung tinutukoy nila? Ako ba? Imposible. O baka naman... waaaahhhh!!!... May nakikita sila na hindi ko nakikita. Takot ako! Huhuhu!

Tumikhim ang lalaking nasa harap ko. Lahat sila nakaputi rin katulad ko.

"Shall we?"

Sabi naman nung lalaki. Inumang pa nya ang braso sakin. Naguguluhan man ay inabot ko iyon at kumapit dito. Kailangan ko rin kasi. Medyo nanlalambot ang mga tuhod ko sa mga ganap e.

And there's something in here that made me quivered. Is it the air, the surroundings, these creatures, or whatever. Basta, may something. Period.

Iginiya nya ako palapit sa isang upuan na kaiba sa karaniwan na nakapalibot sa mesang puti. Parang trono ang peg kasi nga naiiba.

Lahat sila nakasunod lang ng tingin sa akin. Mga pares ng pulang mata. Lahat sila nakangiti sa akin. Mga pares ng mapuputi at matutulis na pangil na sumusungaw sa pagngiti nila.

A very heart warming gestures from these cold blooded vampires.

"Maupo ka."

Masunurin ako e. Kaya umupo naman ako. Muli kong inilibot ang tingin sa kanilang lahat. They made a bow towards me bago sila nagsiupo na rin.

Nakikiramdam lang ako. Nagmamasid. Parang ganun din naman sila sa akin.

Naupo sa katabi kong upuan sa kanan yung lalaking sumalubong sa akin kanina. Parang escort ang peg.

Sa kaliwa ko ay isang bakanteng upuan.

Pasimple kong binilang ang mga nakaupo. Limang lalake at limang babae. With age bracket between late 30's to early 40's. Pero yung katabi ko mukhang sya ang pinakamatanda sa kanilang lahat.

Bakit ganun? Bakit hindi ako natatakot sa kanila? Ang tingin ko nga sila pa ang takot sakin? Ba't ganun?

Napalingon ako sa pinto ng bumukas ito. At muli ko na namang nakita ang nilalang na hindi ko inaasahang makikita dito.

Magenta, again?

Dirediretso itong naglakad palapit sa pwesto ko. Huminto sya sa upuan na nasa kaliwa ko.
At humarap sa pannel of judges. Eviction night ba ito?

"Maaari na tayong magsimula."

Yun lang ang sinabi nya at naupo na sa tabi ko.

She didn't looked at me even once.

Iba rin saltik ng babaeng ito e,noh! Bigwasan ko kaya ng isa para magtino.

"Hindi ba natin sya hihintayin bago magsimula?"

Tanong ng isang may edad na babae. Kahit natatabunan ng makapal na make up ang mukha nito bakas pa rin ang maputlang kulay nya. Ang natural skin color ng mga tulad nya.

Nagbulungan ang mga nilalang na nasa harap ko.

Muling bumukas ang pinto at this time lahat sila ay napatingin sa malaking pintuan na iyon at sa kung sinomang dumating.

Maliban sa akin na sinamantala ang pagkakataon para abutin ang baso ng malamig na tubig na nasa harap ko.

Kanina pa ako nauuhaw e.

Natahimik ang buong paligid at wala akong pake. Umiinom ako ng tubig. Na tila yun na ang pinamasarap na tubig na nainom ko since birth.

Sinaid ko ang pag inom nun. Nilalasap ng bongga ang bawat hagod ng malamig na likido sa lalamunan kong nanunuyo na. Ipinikit ko pa ang aking mga mata.

Kelan ba ako huling uminom ng kahit na ano? Last na ata yung kagabi.

Nang maubos ang laman ng baso ay marahan kong idinilat ang aking mata. Inalis ko ng dahan dahan ang baso mula sa aking bibig habang nakatitig sa kanila.

Na naktitig din sa akin?

No.

Hindi sa akin. Sa may bandang likuran ng inuupuan ko.

"Lets go home."

Buti na lang nasalo ng kung sinumang nagsalita sa may bandang tenga ko ang basong hawak ko na nabitawan ko sa sobrang pagkagulat.

Black Lestat.

Tss! Clumsy as ever.

And you a shocker as ever.

Nilingon ko sya at nagtama ang aming mga mata.

Damn! I miss you.

Napakurap ako sa sinabi sya sa isip ko. Sasagutin ko ba yun ng i miss you too?

Pero bago pa man ay tumayo na sya ng diretso pagkatapos nyang mailapag ang baso sa mesa. Kinuha nya ang kamay ko at hinila na ako patayo.

"Where do you think you two are going?"

Tanong nung lalaking umescort sakin kanina. Nakatayo na rin ito.

"Home. Do you have a problem with that Ysbarro?"

Casual na sagot naman ni Black na hindi nililingon ang kausap.

Wala talagang GMRC ang lalaking ito.

"Hindi ka tumutupad sa usapan Lestat,, Emperor."

Naramdaman ko ang biglang pagtaas ng tensyon sa paligid. Napatingin ako sa mga kamay namin na magkahawak. Dama ko rin ang paghigpit nito.

Marahan kong ginantihan ng pisil ang kamay nya na nasa akin.

He looked at me warily. Ngayon ko lang ata nakitang ganyang sya. Marahil hindi halata sa mukha at tindig nya. Pero ramdam ko. At kitang kita sa mga mata nyang nakatitig sa mga mata ko ang pinaghalong pag aalala,takot at pagkalito.

I smiled at him.

Siguro nga hindi ito ang tamang oras at lugar. Siguro nga hindi ito ang tamang sitwasyon para sabihin ang mga salitang ito.

Pero...

I love you, Black Lestat.

His eyes flickered in disbelief at first. Then amusement. After that a smile crept in from his lips. Dahilan para sumungaw ng bahagya ang mga pangil nya.

He smiled. A happy one. As his face lit up in an instant.

Wow! Parang magic words lang ang peg.

Pero sandali lang iyon. For my eyes only nga lang ata yung ganung expression ng mukha nya.

Muling syang sumeryoso. Nakakatakot na seryoso. Wala na sa akin ang mga mata nya.

Hinila nya ako sa may bandang likod nya na hawak pa rin ang kamay ko at humarap sa mga nilalang na kasama namin sa silid na iyon.

"You can't have her as long as i'am alive."

He said in a monotonic voice while looking at them all. Firm and strong words i may say. Na nagpasinghap sa kanilang lahat. Napansin ko rin ang pagkuyom ng mga palad ni Magenta na di kalayuan sa tinatayuan namin. And her usual fiercing gaze at me.

Mailwanag pa sa sangmaliwanag.

Oh ow! We're in trouble.

Umusal ako ng maikling dasal na sana walang gulong mangyari.

Heaven please!!!

TRUE COLORSTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon