CHAPTER XLVIII

114 8 4
                                    

Chpater XLVIII : a freedom

Isang buwan.

Ganun kabilis lumipas ang mga araw. Isang buwan na pala akong nagkukulong sa kagubatang ito. Ang kagubatang pag-aari ng aming angkan.

Nakahiga ako sa damuhan habang pinagmamasdan ang asul kalangitan na may ilang tumpok ng puting ulap. Madalas kong gawin ito noon.

Normal na ulit ang buhay ko. Bumalik na lahat ng alaala ko. Ang tungkol sa pamilya ko na mga black blood vampires. Na isang buo at masayang pamilya.

Oo. Masaya. Buo. Isang perpektong pamilya.

Ngunit may isang katotohanan ang syang sumisira sa perpektong buhay namin. Iyon ay ang katotohanang hindi nararapat ang mga tulad namin sa mundong ito. Kailangan naming mamuhay na malayo sa mga tao. Hindi kami dapat nakikihalubilo sa kanila. Hindi dapat kami maging malapit sa kahit na sinong tao. Dahil anu't anuman isa lang ang pwede naming maging relasyon sa kanila.

Humans are just our food.

At dahil dun, halimaw kami sa mata ng mga tao. Na dapat mamatay.

Alam iyon ng aking ama. Kaya naman sinumang tao na mapadpad sa teritoryo namin ay hindi na nakakalabas ng buhay. Bilang proteksyon na rin namin iyon.

"You should stay away from humans, my dear daughter Estrell."

My mother keeps telling me that since i was a child. Everyday she will remind me that we don't belong in this world. That we should not meddle with them.

Napapaisip ako noon pa man na kung ang mundong ito ay para sa mga tao, anong ginagawa ng mga tulad namin dito?

Why do we need to exist in a world that made for humans alone?

Hanggang sa dumating ang pangyayaring nagbigay sakin ng misyon sa mundong ito. Misyong naging dahilan ng malaking pagbabago sa buhay ko.

I will never forget that night. Ever.

*flashback*

Nang araw na iyon nakatanggap kami ng invitation mula sa Palacio De Consejo.

Nasa garden kami ng mama nang dumating ang papa. May hawak syang sobre. Pamilyar na sobre. That envelope we used to receive every quarter of a year. It serve as a notice to every bloodline representative . A summon for a conference or meeting, whatever. Hindi naman ako interesado sa mga ganung bagay.

"May pagpupulong bang magaganap, Celestino?" takang tanong ng mama.

"Wala namang nabanggit sa sulat,Illumina. At sa pagkakatanda ko ay sa susunod na kabilugan pa ng buwan ang takdang pagpupulong."

"Kung ganoon, ano ang nilalaman ng sulat?"

"Para sa isang piging."

"Piging? Sa Palacio De Consejo?"

"Sana mali ang hinala ko kung para saan ang piging na ito."

"Masyado ka lang nag-iisip ng kung anu-ano , mahal kong asawa. Ang mabuti pa'y maghanda na tayo."

Inaya na kami ng mama sa loob para makapag-ayos ng aming mga sarili.









Impunto alas otso y media ng gabi nang dumating kami sa Palacio De Consejo. I used to call this place as the white palace. Obviously because of its motif. Simple white.

"Welcome home Celestino, Illumina."

Bungad na bati sa amin ni Ysbarro. Ang kanang kamay ng syang namumuno sa lugar na ito.

TRUE COLORSTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon