CHAPTER XLV

127 8 0
                                    

Chapter XLV : i owe him

Hindi ko na alam kung anong dapat maramdaman. May parte ng isip ko ang nagsasabing kasuklaman ko si Gabriel or Black Lestat. Pero may bumubulong din sa akin na mali iyon.

"Laven--" natigilan sya sa pagbanggit ng pangalang ibinigay nya sa akin bilang isang mortal. Pumikit ng mariin pasumandali bago nagpatuloy. "Estrell, makinig ka muna sakin."

Paano ko pakikinggan ang isang tulad nya na ibang kulay pala ang pinapakita sa akin sa totoong sya? Paano ko tatanggapin ang anumang paliwanag mula sa nag iisang nilalang na pinagkalooban ko buong tiwala at pagmamahal pero nilinlang pala ako?

"Ano pang dapat kong pakinggan? May dapat pa ba akong paniwalaan mula sayo?"

Hindi sya natinag sa himig panunumbat sa binitawan kong mga salita. He kept his agonizing gaze at me.

"I - I lo--- "

Hindi na nya naituloy pa ang sinasabi dahil biglang bumukas ang mga ilaw sa silid na kinaroroonan namin kasabay ng pagbukas ng pinto.

Napalingon kami ni Black sa mga armadong lalaki na pumasok at sa babaing kasama nila.

Heidi?

"Tapos na ang oras ng bisita. Tayo ng umuwi, empress."

Pagkasabi nun ay naglapitan na ang ilan sa mga lalaki kay Black at pinosasan ang mga kamay nito sa likod.

"Anong ibig sabihin nito?" litong tanong ko. Pinaglilipat lipat ko ang tingin kay Heidi at kay Black.

"Sinusundo ka." tipid namang sagot ng babae na ngumiti sa akin at tumingin kay Black. "Hindi ka dapat naririto sa lugar ng mga hunter."

Kunot noo akong napatingin kay Black. Still his eyes on me as well. May sinasabi ang mga mata nya. Hindi ko mabasa. Even the freaking mind link is not working at this time.

Narinig kong bahagyang natawa si Heidi dahilan para mabaling muli sa kanya ang tingin ko.

"Ofcourse, you don't know. Gabriel Lestat, also known as Black Lestat, is a hunter. I mean, was a hunter."

I knew it. From the very beginning, he lied. Until now. And I wonder until when.

"He broke the golden rule of being a hunter. Kaya nawalan sya nang lisensya."

"Golden rule?"

"Don't.. " nilingon nya si Black " don't fall in love with an enemy."

Yeah, right! But I made him fall for me.

"Sobrang dami na nang kaso nya sa hunter's guild. Nagkapatong patong na. Kaya hinatulan sya ng kamatayan."

Nanatili akong nakikinig sa sinasabi ni Heidi. Hindi ko man lang nililingon si Black kahit na ramdam kong nakatitig pa rin sya sa akin.

Narinig kong pagak na natawa si Black. Napalingon kami ni Heidi sa kanya.

"The orders were dead. At malamang sa mga oras na ito abo na ang buong Palacio de Consejo. Wag mong bilugin ang ulo ni Estrell. Hindi sya kasing tanga mong bampira."

"Hindi totoo ang sinasabi mo." tila hindi makapaniwalang sabi ni Heidi.

"Lahat kayo, nagpauto kayo sa mga namumuno ng hunter's guild. Baka nakakalimutan mo na ang numero unong misyon ng mga hunter. Kill the enemy. Sadya lang talagang tanga kayo para maniwala na makikipagkasundo ang hunter sa inyo."

Nakita ko kung paanong napuno ng pagkalito ang mukha ni Heidi. At napalitan ng galit. Galit para kay Black.

"Dapat sa mga hunter na tulad mo ay mamatay. Tapusin nyo ang --- "

TRUE COLORSTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon