Chapter XLII : 'hellcome' to you
Kahit anong pilit kong makatulog, hindi talaga. Pakiramdam ko may parte ng katawan ko ang masakit. Hindi ko nga lang alam kung anong part.
Lahat na yata ng posisyon sa kama nagawa ko na. Sa inis ko bumangon na ako sa pagakakahiga.
Lying down here wont do any good at me right now. Para akong nalulunod sa kung saan.
"Aaarrgggghhh! Ano bang nangyayari sayo Lavender?"
Again Black's face flashed in my mind. Sabay nun ang muli na namang pagkabog ng dibdib ko. Napahawak na lang ako rito. Tama! Ang part ng katawan ko na kanina pa tila kumikirot ay ang pusong nasa loob nito.
Black, napipikon na ako ha!... sumagot ka naman...
I shouted in my thoughts. Kanina ko pa sya kinakausap sa pamamagitan ng mind link pero ni "ha" ni "ho" wala syang sagot. Lalo lang nagdadagdag ng kaba sa dibdib ko.
Pero wala pa rin. Wala pa ring response si Black.
Something wrong is going on.
Kasabay ng isiping iyon ay ang pag ring ng cellphone ko. Napatingin ako sa wall clock.
Pasado alas tres ng madaling araw? Who the hell could it be? Calling me in a wee hour!
Inis na dinampot ko ang cp na nakapatong sa side table. Napakurap ako ng makailang ulit ng mabasa ko ang nakarehistrong name ng caller sa screen.
Dark Angel
Calling...
In no second at all i hurriedly tap the answer key.
"Hello, Black! Where the fucking hell are you? Bakit hindi ka nagreresponse? Ano bang --- "
"Hello there Lavender ,, or should i say Empress Estrell?"
"Sino ka?"
"You misses already the Emperor? How sweet! So romantic. It sucks."
"Nasaan si Black? Sino ka ba?"
"Meet me outside, now."
Pagkatapos nun naputol na ang linya. Dali dali na akong lumabas ng kwarto. Wala akong pakialam kung nakanight gown pa ako. Wala akong dapat na sayanging sandali.
Black is in danger.
Diretso akong lumabas ng bahay. Wala na rin akong pakialam sa lamig ng hanging sumalubong sa akin sa labas. Naglakad ako papunta sa main gate palabas. At hindi nga ako nagkamali. Agad kong natanaw ang isang puting kotse na tila may hinihintay ilang dipa mula sa kinatatayuan ko.
Umandar iyon palapit sa akin at huminto sa mismong tapat ko. Bumukas ang pinto sa backseat.
And without a word i get in
Walang ibang tao sa loob ng kotse maliban sa driver na nakaunipormeng puti. Pagkasarang pagkasara ko ng pinto ay mabilis na umandar ang sasakyan.
"Ikaw ba yung tumawag? Nasaan si Black?"
Tanong ko sa driver pero hindi sya sumagot. Para ngang di nya ako naririnig. Naalala ko yung men in white na kumidnap sakin. Wala rin silang imik katulad ng driver na ito.
Oh this is just great! Suki na ako ng mga kidnaper ngayon. Very nice!
Inis na padabog kong isinandal ang likod ko. Hopeless na naman dahil ni hindi ko nabitbit ang cp ko kanina. Paano ko ngayon matatawagan sila Chloe at Axel ngayon.
Nanatili akong tahimik. Wala rin naman akong magagawa sa loob ng kotseng ito. At yung kausap kong babae sa phone pamilyar ang boses. Malakas ang kutob ko na hawak nila si Black.
Nakarating kami sa destinasyon namin, na ewan kung saan, nang di ko namamalayan. Hindi ko rin alam kung ilang oras kaming nasa byahe. Ang alam ko lang maliwanag na sa labas. Naramdaman ko na lang ang pagbagal ng sasakyan at ang unti unting paghinto nito.
Bumukas ang pintuan sa tabi ko. Nag atubili man ay bumaba na rin ako. Ignoring that part of my mind sending me a warning. Signus na nasa panganib na ako ngayon.
Bumungad sakin ang isang building na walang bintana. At isang pinto lang ang mayroon.
Ano ito? Bartolina?
"Wiieeww!!! Totoo nga ang sabi nila. The Empress possess a beauty that made any beast wilder than the usual."
Napalingon ako sa nagsalita. Isang lalaking kaedaran lang ata ni Black. Mukha syang sundalo sa uniform na suot nito. Pero ngayon lang ako nakakita ng ganung army uniform. Muli ko syang tinignan, up to down.
"Done checking me out?"
Nakangising sabi nito. Agad na nagsingkit ang mga mata ko.
"Where is Black?"
"Aray ko naman! Ako itong nasa harap mo pero iba ang hinahanap mo. Nasan ang hustisya dyan miss?"
"Wala akong oras makipaglokohan. Nasaan si Black?"
"Wooaaahh! Chill lang. Lalo tuloy ako natiturn on sayo e. Mas gusto ko pa naman yung mga ganyan, tigre."
Tinignan pa nya ako mula ulo hanggang paa ng puno ng malisya. Naalala kong nakanight gown pa rin ako. Kaya hindi ko na napigilang umigkas ang isa kong kamay at lumagapak sa mukha nya.
"Bastos!" sigaw ko.
Tila ikinagulat ng lalaki ang ginawa ko sa kanya. Napatulala ito na nakatitig sa akin habang hawak ang pisngi nitong namumula mula sa pagsampal ko.
Sumilay ang nang uuyam na ngiti sa mga labi nito at ang kakaibang kislap sa mga mata nya.
May pinindot syang buton sa tila earpiece na nakasabit sa tenga nito.
"Yes, she's here. Ok, ok. Dadalhin ko na sya dyan."
May kinausap sya pero hindi nya inaalis ang tingin sa akin.
"Tara na."
Sabi nya at nauna nang maglakad pero hindi ako sumunod.
"Nasa loob ang hinahanap mo."
Dagdag nya habang patuloy sa paglalakad papunta sa nag iisang pinto ng closed building na iyon.
As if on que, i hurriedly followed him.
Ano na naman ba itong napasok mo Lavender?
Habang naglalakad pasimple kong sinulyapan ang paligid. Wala akong nakita kundi malawak na sementadong kapaligiran na may matataas na sementadong bakod din.
Parang bilibid lang. Tama nga ako. Bartolina ito. Di na ako magugulat kung may mga selda sa loob.
Huminto sa harap ng pinto ang lalaki. Isang activated voice over ang narinig ko mula sa maliit na tila speaker sa pinto.
Napansin kong ni walang doorknob ang pinto or kahit na anong hawakan na pwedeng pihitin para mabuksan ito. Ni wala ring button para pindutin.
"Pass code."
Narinig kong sabi ng boses sa may maliit na speaker.
"VH double O 43"
Sagot naman ng lalaking kasama ko. Agad ang pagkunot ng aking noo. May hinalang unti unting nabubuo sa isip ko.
The place like an army barracks. This guy that looks like a soldier. Even the air i breathe in here smells like a war zone or war camp.
At kinumpirma lang ng voice over ang hinala ko nang muli itong magsalita.
"Vampire Hunter 0043. Pass code accepted."
Then i heard a click sound before the door slowly opened.
Naramdaman kong nilingon ako ng lalaking nasa tabi ko habang ako naman ay tila tulalang nakatitig lang sa pintong unti unting bumubukas.
"By the way , I'm Saphiro Ambrosio. Hellcome to you miss. This is the Vampire Hunter's HQ. Just call me Saph, a vampire hunter at your service."
BINABASA MO ANG
TRUE COLORS
VampireViolet, White, Blue, Red, Gray, Pink, Green, Indigo, Black, Fushia, Brown, Magenta, Hindi po yan color ng crayola,,yan po ang mga pangalan ng myembro ng pamilyang titirhan ko,,meet the Lestat family,,at anong meron sa pamilyang yan?,,malalaman ko r...