Chapter 1

220 8 4
                                        

 All names, characters, places and events are pure fiction. Any resemblance to this story is just coincidental.

 ______________________

Habang naglilibot ako sa university namin, di ko maiwasang mapangiwi sa mga nakikita ko. Naaalibadbaran ako sa mga magsyotang nakakasalubong ko. Like duh?! Public place po ito, kung makapaglanturan akala mo walang ibang tao. Napalingon na lang sakin si Andy, bestfriend ko since first year highschool, alam na kung bakit. Ganyan yata kami eh, may mental telepathy.

We're now heading to our first class, blockmates kami ng bestfriend ko. Pareho kaming Marketing students, and we're now in our senior year. Actually, first day of sem ngayon kaya tamad na tamad akong pumasok. Magdiditch dapat ako ng class tutal unang araw pa lang naman kaso ang kj ni Andy eh, ayaw niya.

"Hoy! Saph! Nakikinig ka ba sa chika ko?" Andy snapped her fingers in front of me. "I knew it. Daldal ako ng daldal while you are spacing out! Tss.."

"Pardon?" I asked Andy, di ko kasi nadinig yung sinabi niya.

"Don't pardon pardon me Sapphire Denise Tolentino." at nagpout pa siya.

 "Yeah. Whatever Andrea Corrine Jimenez. Ano na nga kasi yun?"

 "Tss.. I said yung gwapong kabatch natin sa section C ay lumipat ng section natin!! Sounds fun, right?!"

 "Oh. Like I care? best, kung sana si Lee Min Ho yun or si Lee Chi Hoon nagka interest pa ko." I said sarcastically. Wala kasi akong pakialam sa mga kabatchmates namin, yun ngang mga classmates ko di ko pinapansin, yun pang di ko kilala?

 "Best naman.. kaya ka di nagkakajowa eh.. Di ka nakikihalubilo sa iba."

 "Whatever Ands.. kuntento ko sa buhay ko." I said then went inside our room, buti wala pa yung prof. Akala ko malelate na kami eh.

After 10 minutes of waiting ay pumasok na si Sir De Vera kasama ang isang cute guy na sa tingin ko ay new classmate namin, never ko pa kasi siyang nakita dito.

"You may now take your seat Mr. Gatmaitan." said Sir De Vera.

Nagpalinga-linga siya na tila may hinahanap, sakto namang napatingin siya sa side ko. Nginitian niya ko ng pagkalawak-lawak, abot hanggang tenga. Wait, nag assume ba talaga ko na ako ang nginitian nitong lalaking to?

"Miss Tolentino, mind if I sit here?" Napataas ang kilay ko sa lalaking kumausap sakin. How did he know my surname?

"ahhh.. I just looked at your ID." Is he some kind of Edward Cullen who read minds?

"Whatever!" was the only word I managed to say.

"So, miss.. (sabay silip sa ID ko) Sapphire Denise Tolentino, I'm Edward Cullen." sabay abot ng kamay niya sakin at may pakindat-kindat pang nalalaman.

"Baliw." pabulong kong sagot sa kanya nang hindi tumitingin at binalewala ko din yung kamay niya. He just chuckled.

"Ikaw naman, di ka na mabiro." Hindi ko na lang pinansin ang side comment niya.

"Mr. Gatmaitan, please introduce yourself in front.. Alam ko namang bago ka lang dito sa section A." Tumayo agad yung katabi ko.

"Yes, sir." sagot niya at pumunta na sa harap.

"Umm.." panimula niya sabay hawak sa batok niya. "Hello classmates! I'm Yexel Gatmaitan, 20 years old. Nagpalipat ako sa section niyo because of one reason." Tumingin siya sa side ko, ewan ko ba parang sakin siya nakatitig.

"And it's to make Miss Sapphire Denise Tolentino fall in love with me."

Nanlaki lang ang mata ko at napatulala sa kanya. He waved his hand at me at nagwink pa. I rolled my eyes at him. This guy is so annoying! Ano bang trip nitong lalaking to?

Naghiyawan naman ang mga uto-uto kong classmates. Si Andy naman may pasundot sundot pa sa tagiliran kong nalalaman.

"Will you stop that, Andy?" I said irritatedly.

"Uy! type ka ata ni Yexel. Swerte mo girl."bulong niya sakin.

"I'm not interested, and please lang Andy tigilan mo yang pagsundot sundot sa tagaliran ko." Tumigil naman siya, tumingin na lang ako sa harap. Nakatayo pa din dun si Yexel, ngumiti siya sakin at kinawayan pa ako.

I sighed in exasperation. I think, my last year in college will be miserable as hell.

Undisclosed FeelingsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon