Chapter 14

74 4 0
                                    

Nag-init talaga yung mukha ko sa sinabi niya at natameme ako. Nginisihan lang niya ako ng makitang nagblush ako.

Oh my God! Bat kasi siya bumabanat ng ganun?

Hinati hati na ni Andy yung mga gagawin. Na assign ako sa pagtally ng results ng survey. Lugi nga ako, pano ba naman 250 respondents meron kami at 10 questions bawat isang survey form. Gosh! Ang dami kong bibilangin.

Hindi naman kami nagtagal sa library kasi tapos na kami at isa pa ay pinalayas kami ng librarian, maingay daw kasi kami.

Diretso uwi na sana ako kaso nagtext sakin si Warren, magmeet daw kami sa Mcdo sa may labas ng school. Ako namang si mabait, sumunod na lang.

Pagpasok ko pa lang ng Mcdo ay nakita ko agad siya. Umupo agad ako sa harap niya. Literal na napanganga siya katulad ni Yexel kanina pero nakabawi din agad.

"Miss, that seat is occupied." sabi niya na parang ewan.

"Yeah, I know."

"Ah eh.. miss, may hinihintay kasi ako."

"Mr. Salazar, would you please stop calling me miss? Ang creepy eh!"

"Woah! You know me?" he smirked. I smirked back. Halos mapunit na nga yung mukha ko.

"Yeah! I know you well, Warren Salazar!" tinaasan ko siya ng kilay at binaba ng kaunti ang shades ko.

Nagulat nga siya ng makita ako. Binalik ko din agad yung shades ko, ayoko magmukhang eyebags na tinubuan ng mukha.

"D-denise.. Nakakagulat ka naman. Ang hot mo kasing tignan!" natawa siya sa sinabi niya. Compliment ba yun o ano?

"Tse! Anung kailangan mo?"

"Wala naman. Naisip ko lang na baka may klase ka, kaya niyaya kita dito."

"Alam mo bang kanina pa ko inaantok? Itong shades na to, gusto ko ng ibalibag dahil di ako makakita ng maayos. Tapos wala lang?! Uuwi na ko! La ka kwentang kausap!"

"Libre na kita lunch, wag ka na lumayas."

"Okay. Madali naman akong kausap." Basta libre talaga, game ako diyan! haha!

Umorder na siya ng kakainin namin, ako eto nagsasagap ng wifi. Badtrip nga kasi ang bagal ng connection.

Napalingon ako sa gilid ko ng mapansing may nakatayo. Siya na naman? Stalker talaga to e!

"Ano?" sabi ko.

"Pwede umupo sa tabi mo?"

"At bakit?"

"Kasi gusto ko." at umupo na nga siya. Ano ba yan! Napakaepal!

"I really miss you." bulong niya sakin, hindi ko siya kinibo. Wag kang magsasalita! Wag mong papansinin, Saph!

"Kahit di mo ko pansinin, di pa din ako susuko. Sinasabi ko na sayo, Denise..I will never give up." bumuntong hininga siya. "Kahit ilang ulit mo akong pagtulakan, hinding hindi kita iiwan. I will never give up on you."

"Heto na ang pagkain mo mahal na prinse---sa." Napakunot noo si Warren ng makita ang katabi ko pero agad din siyang ngumiti. "Hon, bumili lang ako ng pagkain.. may kasama ka na agad!" Tinaas taas pa niya yung kilay niya, parang bakla lang!

"Huh? Si Yexel nga pala, classmate ko.. Yex, si Warren, highschool classmate ko."

"Nice to meet you, pare." sabi ni Warren sabay abot ng kamay, inabot naman ni Yexel para makipagshakehands.

"Nice to meet you din." sagot niya.

"Kakain ka din ba? Good for two lang kasi tong binili ko." tanong ni Warren.

"Hiindi na.. may sinabi lang ako kay Denise." tumingin siya sakin tsaka bumulong "Uuwi na ko, pero tandaan mo..hinding hindi ako susuko sayo." humarap ulit siya kay Warren. "Ge, pare una na ko."

Bago siya tumayo ay humarap pa siya sakin. "Bye, love." sabi niya sabay halik sa pisngi ko. Sh*t totoo ba yun? Napahawak na lang ako sa pisngi ko. Hindi ko na nalingon kung nakaalis na ba siya. Paksh*t ka Yexel!

"Woah! Hon, bat love tawag sayo nun? May pahalik halik pa sa cheeks mo ah?" Natawa pa siya. Badtrip!!

"Tado! kumain ka na lang diyan!"

"Hon naman, wag ka mag-alala.. may kiss ka din sakin mamaya!" at humagalpak na po siya ng tawa.

"Shut up!"

Ikinain ko na lang ang inis ko. Nakadalawang large fries nga ko tsaka isang McFlurry, McFloat at cheeseburger. Si Warren, ayun hinintay na lang akong matapos sa paglamon.

"Grabe, Denise.. ang takaw mo pala!" naglalakad kami papuntang apartment ko. Gusto daw niyang makita kung maganda daw ba. Kung alam ko lang, gusto lang niyang makitambay.

"Ganun talaga! Sinusulit ko lang ang libre mo!"

"Ubos na nga allowance ko eh!"

"Ikaw nag offer manlibre, it's your fault!" Tinawanan ko pa siya.

Ilang sandali pa nasa tapat na kami ng apartment ko. Si Warren tuloy tuloy pa sa paglakad, kung di ko pa tinawag di malalamang wala na ko sa tabi niya.

"Diyan pala! Akala ko diretso pa eh!"

"Yan nakita mo na! Pwede ka ng umuwi!"

"Uwi agad? Patambay muna!"

"Tse! Bawal lalaki dito!"

"Wag ka mag inarte! Tinext ko na si Andrea tsaka ang barkada, pupunta sila dito."

"What!?!" napasigaw talaga ko kaya nagtakip siya ng tenga.

"Bakit ka nag-iinvite ng di ko alam? Apartment mo to? Ha?! Apartment mo?"

"Chill lang! Wag kang maingay. Halikan kita diyan eh"

Nanlaki ng sobra yung mata ko. Bwisit tong taong to! Sa inis ko sinabunutan ko nga ang buhok niya. Asar na asar nga siya kasi ginulo ko daw yung buhok niya. Hindi ko talaga siya tinigilan kaya kiniliti niya ko. Tawa ko ng tawa, pano ba naman nalaman niya kung san malakas kiliti ko.

"Ang sweet nyo naman!"

"Nagkakadevelopan na ba kayo?"

"Ikaw Warren ah! Chansing yan!"

Natigilan kami nung may mga nagsalita. Sila Lenard pala at ang tropa, kasama nila si Franz! Bwisit!!

Undisclosed FeelingsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon