Chapter 2

145 8 1
                                    

I jumped on my bed. First day of classes pa lang stress na stress na ako.

Pano ba naman kahit saan ako pumunta nakabuntot si Yexel, FC masyado. Kanina ngang pauwi ako, he insisted na ihatid ako. Syempre hindi ako pumayag, ayaw ko ngang makasama yung lalaking yun. Pero ang kulit, sinundan pala ako.

Malapit lang kasi yung apartment ko sa school kaya nilalakad ko lang. Nasa tapat na ko ng gate nun, papasok na sana ko nang may kumalabit sakin, pagharap ko nandun na siya, ngiting ngiti pa.

"Bye Denise! Sunduin kita bukas ha!" nagwave na siya then he left me wide-eyed open. Natulala talaga ako, literal. Hindi agad nagsink-in yung sinabi niya sa akin, ni hindi nga ako nakapagreact sa kanya. Aba! Ayokong makasabay yun pumasok!

Sa kaiisip ko kung pano matatakasan si Yexel bukas, nakatulog na pala ako.

Nagising ako dahil sa sunod sunod na pagtunog ng doorbell. Sinong siraulo ang nanggambala sa pagtulog ko?

Kinuha ko ang cellphone ko sa may side table para tignan ang oras. 7am pa lang naman, ang aga pa kaya! 1pm pa ang first class ko.

Padabog akong tumayo ng kama, dumiretso ako sa cr to do my things. Agad-agad kong pinuntahan ang istorbong kanina pa doorbell ng doorbell pagkatapos kong gawin ang dapat gawin.

"What the hell?!!! Yexel?! Ang aga-aga doorbell ka ng doorbell! Ayaw ko sa lahat yung naiistorbo ang tulog ko!" bulyaw ko agad sa kanya. Nakakabadtrip talaga tong taong to.

"Chill ka lang Denise. Stop nagging. Sinusundo lang kita." pacool niyang sagot.

"Sinabi ko bang sunduin mo ko? and hello?! 1pm pa ang klase natin kaya tsupi na!!"

Para namang walang nadinig ang lalaking to, nagdirediretso ba naman sa loob ng apartment ko. "Hey! Labas nga diyan!" sigaw ko pa ulit sa kanya. Pumasok na lang ako sa loob para sundan siya, hindi na kasi ako kinibo.

Naabutan ko siyang nakaupo sa sofa at nanunuod na ng tv. "Feel at home lang ha! Wag kang mahihiya." ngiting ngiting sabi ko sa kanya, and note the sarcasm.

"Yeah! pahingi naman ng juice, Denise. Kanina pa kasi ko sa labas. Ang tagal mo kasi."

"Please lang ha.. Don't call me Denise! I hate that name."

"Oh. I think, I need to call your name more often. Right, Denise?" then he smirked at me.

"Gosh! You're so annoying!"

I immediately went to the kitchen and prepared something to eat, nagtimpla na rin ako ng juice, hiyang hiya naman kasi ako sa bisita ko. Nagluto lang ako ng hotcakes and hot choco para sakin.

"Tara sa kitchen. Nandun na juice mo. Don't worry, wala namang lason yun."

I went back to the kitchen, sumunod naman siya. Umupo na ako, tumabi agad siya sakin. Kumuha agad siya ng juice, mukhang uhaw na uhaw talaga siya.

"Hotcakes oh." I offered. May pinggan din naman akong hinain para sa kanya.

"Thanks." he said.

We ate in silence, wala akong ganang makipagdaldalan sa kanya, mabuti nga't tahimik lang din siyang kumain.

Pagkatapos kumain ay hinugasan niya na yung mga ginamit namin, he insisted so hindi na ko nagreklamo. Nanuod na lang ulit ako ng tv total mamaya pa naman ang klase ko.

Weeks passed, at hindi ko talaga maintindihan ang topak sa utak nitong si Yexel. Para siyang stalker.. para siyang tuta.. para siyang anino.. lagi na lang nakasunod sa akin.

Sa araw-araw na ginawa ng Diyos ay paulit-ulit na lang ang mga nangyayari. Bubulabugin niya ako ng umaga, magpupumilit na ihatid ako sa school, kukulitin ako na akala mo'y walang kapaguran sa katawan at ihahatid ako pag uwian. Hindi ko na nga lang pinapansin minsan ang kaepalan niya, pero may oras talagang napupuno na ako. Katulad na lang ngayong araw na to.

Nandito ako sa cafeteria with my bestfriend, having our lunch break, nang bigla na lang siyang sumulpot sa tabi ko. This guy keeps bugging me all day. Non stop, well, not literally.

"Hi! love! Hi! Andrea!" he said cheerfully, not noticing my deathly glares at him.

Siraulo talaga to eh! He keeps calling me "love" since last week. Sinabihan ko kasi siyang tigil-tigilan ang pagtawag sa akin ng Denise. Instead of calling me Saph, he started calling me Love.

"Hey dude! How many times do I have to tell you that my name is not "Love"! It's Saph! S-A-P-H!! Get it?" kinalma ko na lang ang sarili kong wag manapak. Pasalamat siya..ayaw ko ng eksena.

"Yeah! That's just the same four-letter-word. Stop frowning, love. You're more beautiful when you smile." he winked at me then waved goodbye.

Napasigaw na lang ako sa utak ko. Lintik na Yexel yan, mababangasan ko na yan!

"That freak is really annoying!" I whined.

"No, Saph. That freak is really cute. Bagay kayo!" she giggles. I just throw her my most deathly glare, hindi naman niya pinansin.

"Ya know what, best? I think, that guy likes you a lot or who knows? Maybe more than that?"

"I don't think so.. He's just pestering me because he thinks it's funny." I said non chalantly. Andy just smiled meaningfully at me.

After that day, I went straight home. Friday ngayon, and it means one thing.. I'm going home. Literal. Uuwi ako sa totoong bahay namin.

Once in a month kung umuwi ako sa amin. I will spend my weekends there. Monday morning ako babalik dito. Magcocommute lang ako papunta dun then ihahatid ako pauwi. Hindi ko naman kailangan magbaon pa ng damit dahil madami pa naman sa bahay. Inayos ko lang yung mga gamit kong iiwan dito.

I checked all the windows, baka kasi may naiwan akong nakabukas. Tinignan ko din kung may naiwan akong mga nakasaksak na appliances.

After one last round of checking, iniwan kong nakabukas yung ilaw sa may salas then I locked the door pati na din yung sa gate then I'm off to go.

Undisclosed FeelingsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon