Tinext ko si Andy na magkita kami sa may bus. Pagdating ko dun, nasa loob na siya kasama si Matt at Rick. Kasunod ko naman si Yexel, di ko nga pinapansin dahil sa ginawa niya kanina. Pag naiisip ko yun, feeling ko nagbblush ako. Ha! Ewan!
"Hoy babae! Bakit mo ko iniwan?"
"Tulog na tulog ka kasi sa balikat ni Yexel, wag daw kitang gisingin kaya tinext na lang kita." paliwanag niya. Sinamaan ko siya ng tingin.
"Naman eh! Alam mo ba kung anong kamalasan ang nangyari sakin ngayong araw na to?"
"Siyempre hindi!" At may gana pa siyang barahin ako. Kung alam lang niya ang nangyari..naku!!
"Tse! Dito ka na ba sasakay pauwi?"
"Best, kahit mahal kita dun ako sa bus nila Matt sasakay pauwi." I frowned. "Alam mo na, baka ikiss ako nun mamayang gabi." bulong niya sakin sabay hagikgik. Binatukan ko nga.
"Kadiri ka!" pasigaw kong bulong sa kanya.
"Wag ka na magalit best. Ngayon lang naman to, please?"
"Oo na. Bahala ka. Maglampungan kayo magdamag!"
"Shh. Wag ka maingay." Lukaret talaga tong babaeng to.
Pagkatapos ng halos kalahating oras ay bumaba na kami ng Baguio. Kailangan ng umuwi dahil mahirap pag inabot kami ng dilim. Si Yexel pa din ang katabi ko sa bus, pero di ko siya pinapansin. Nakikinig lang ako sa iPod ko, nakatodo ang volume para di ko madinig ang ingay ng mga kaklase ko.
Nagkakantahan yung mga classmates ko, may magic sing kasi sa loob ng bus. Tinigil ko na lang yung pagsasoundtrip ko para pakinggan sila.
Biglang tumayo yung katabi ko, kinuha pala niya yung songbook. May balak ata siyang kumanta.
After 3 songs na kinanta ng mga classmates ko, si Yexel na yung sunod. Intro pa lang, alam na alam ko na kung ano yun.
Bago magsimula ang kanta ay nagsalita muna siya dahilan upang pagtinginan ako ng mga kaklase ko. This is embarassing!
"Denise, I'm sorry. I'm sorry kung nainis ka sa ginawa ko kanina.. Pansinin mo na ko please?"
Sorry na talaga sa aking nagawa
Tanggap ko na mali ako wag sanang magtampo
Sorry na
Our eyes met, and we stared at each other until the song ends. My heart is beating really fast. Habang papalapit siya ng papalapit ay mas lalo akong nakakaramdam ng kaba. Kinakabahan nga lang ba ako, o iba na to? Tumabi siya sa akin at mas lalong bumilis ang pagtibok ng puso ko. What’s wrong with me?

BINABASA MO ANG
Undisclosed Feelings
Teen FictionSapphire is on her senior year in college. She had this gut feel about something, but didn't recognize what it is. Does it include Yexel, her new found friend? Or was it Franz, her ex-boyfriend who dump her four years ago?