Chapter 19

65 4 0
                                        

October na at isa lang ang ibig sabihin niyan.. after two weeks ay sembreak na. Busy ang lahat sa paghahabol ng deadline ng thesis, next week na kasi ang defense at ang pinakanakakaimbyerna ay finals exam din next week. Meron na din akong pag-oOJThan next sem, kasama ko pa din si bestfriend dun.

After ng fieldtrip namin ay madami talaga ang nagbago. Palagi ko ng kasama si Yexel kung wala si Andy. Madalas ko din siyang nakakatext at araw-araw din siyang tumatawag.

Si themastermind naman ay madalas ko ding nakakachat. Feeling ko nga kilala niya ako, pero iwinawaksi ko din kaagad yun saking isipan. Malabo kasing mangyari yun.

Si Franz naman.. iniiwasan ko pa din siya hanggang ngayon pero dahil napapadalas ang pag hangout namin kasama ng barkada niya, hindi ko din maiwasang makita at makausap siya.

Magmamadaling araw na pero gising na gising pa din ako. Nandito sa apartment ko si Andy, Yexel, Cath at Kiel. Nagovernight kami para matapos na ang thesis namin. May ilan-ilang minor editing lang na kinailangan gawin.

Alas-tres ng maisipan naming matulog. Kaming mga girls ay nandito sa kwarto ko. Si Cath ang pinahiga namin sa kama, ako at si Andy ay naglatag lang ng mahihigaan sa lapag. Yung dalawang lalaki ay naglatag naman ng hihigaan sa may salas. Katulad ng sinabi ko kanina, gising pa ko hanggang ngayon. Yung dalawang kasama ko sa kwarto ay naghihilik na, mas lalo tuloy akong hindi makatulog.

May isang bagay ang bumabagabag sa isipan ko, yun ay kung pano ko sasabihin kay Yexel na tumigil na siya sa ginagawa niya. Gusto ko siya pero not to the point na mamahalin ko siya. Ayokong umasa siya sa wala. Ayokong masaktan ko siya dahil alam ko kung gaano kasakit malamang hindi ka mahal ng mahal mo. Mahalaga siya sakin kaya dapat hangga't maaga pa lang ay tumigil na siya.

Itinuloy namin ang pag-eedit ng thesis ng kinaumagahan din nun. Cold treatment ang drama ko towards Yexel. Hindi ko alam kung pansin niya pero si Andy ay tinignan ako na para bang may dapat akong sabihin sa kanya. Nagkibit balikat lang ako, sa susunod ko na lang sasabihin sa kanya.

"Saph, yung powerpoint presentation, hindi pa gawa." sabi ni Cath.

"Ako na lang bahala dun." sabi ko.

"Di na. Ako na." sabi naman ni Kiel.

Nagsiuwian na sila Cath at Kiel ng matapos kami mag edit, yung powerpoint daw ay si Kiel na ang gagawa sa bahay nila. Si Andy ay nasa kusina at nag aayos ng mga pinagkainan namin kanina. Andito ako sa labas dahil uuwi na daw si Yexel.

"Denise, iniiwasan mo na naman ba ko?" malungkot niyang tanong. Umiling lang ako.

"Bat sa nakikita kong kinikilos mo..iniiwasan mo ko?"

"Pagod lang ako." Nasabi ko na lang para manahimik siya. Nagulat naman ako ng yakapin niya ako. Sobrang higpit kaya di ako makawala.

"Yex, ano ba? Akala ko ba uuwi ka na?"

"Oo pero.. matagal ko ng gustong gawin to." Lumayo siya ng konti pero nakahawak pa din sa may bewang ko. Tumitig siya sa mga mata ko, napatitig na lang din ako sa kanya. Unti-unti ay inilapit na niya ang mukha niya sa akin, iniwas ko ang mukha ko bago pa niya tuluyang magawa ang binabalak niya.

"S-sorry." seryosong sabi niya habang hawak hawak ang dalawang kamay ko. Ikinalas ko ang kamay ko mula sa pagkakahawak niya at umatras.

"Ge na, Yex. Ingat na lang." Nagwave na lang ako at agad tumalikod pabalik sa apartment ko.

Undisclosed FeelingsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon