Chapter 21

63 4 2
                                    

Hindi natapos dun ang araw ko. Pagkaalis ni Franz ay dumating naman si Andy. Hindi ko inaasahan ang pagdating niya, may dala siyang dalawang bag. Magoovernight daw siya para sabay na kami bukas pumasok. Bukas na nga pala ang panel defense, kailangan ko pang magreview. Pero sa itsura kong to, di ko alam kung may papasok pa ba sa utak ko. Information overload, eh?

"Saph, anong nangyari? You look.. devastated." she asked me worriedly.

"Wala to, Ands."

"Ayan ka na naman, Saph."

"Ands, I'm perfectly fine." I managed to smile. A fake smile.

"Bestfriend mo ko Saph. Kailangan kong malaman kung ano man yang problema mo." Umiling ako. "No, Saph! You have to tell me. Is it about Yexel?"

"H-hindi."

"Then, what? Tell me, Saph! For goodness sake! You keep on pushing us away! Bestfriend kita, pero kahit ako nilalagyan mo ng pader. Ayaw mo akong hayaang makapasok diyan!"

"Ands, bestfriend kita. Ayaw ko lang na nag-aalala ka. I can handle myself."

"Yan! Masyado kang independent kaya ayaw mong kumapit sa tao. Kaya nga ako ang bestfriend mo para magkasalo tayo sa problema, hindi lang puro sa saya." Oo nga naman. Masyado na akong secretive sa bestfriend ko, lahat sinasarili ko. Wake up call siguro sakin to.

"Ands.." I sighed. "Franz talked to me a while ago."

"What?! Bakit?"

"He asked for another chance."

"What?! What about Yexel? I thought you two are going well."

"No, Saph. Akala ko nahalata mo na. Iniiwasan ko na siya. I like him but I dont love him. I realized after Franz and I talked that he's still the one." She sighed.

"Saph, pinaasa mo yung tao!" sigaw niya.

"Hindi ko siya pinaasa. Alam mo yan Ands. Lumalayo ako pero siya yung makulit na lapit ng lapit."

"Ano yung sa fieldtrip? Saph, after that trip on Baguio madalas na kayong magkasama. Akala ko nga pwede na kayo. Akala ko hinayaan mo na siyang makapasok diyan." tinuro niya yung dibdib ko kung saan naroon ang puso ko.

"Andy, kung di mo ko iniwan sa bus kasama siya hindi mangyayari yun."

"Oo. Kasalanan ko pero may choice kang lumayo."

"I did all my best to avoid Yexel but he's too persistent. Kaya nga umiiwas na ulit ako. Best, after this sem, babalik na ko sa bahay. Wag mo sanang sabihin kung saan tayo magOJT at kung saan ang address namin."

"But-"

"No but's, Andy. He needs it for him to move on."

"Fine! Is it because of Franz?"

"What?! No!"

"Then, why?"

"Dahil gusto kong makamove on siya. I don't deserve his love. I'm not worth it."

"What about Franz?"

"I still love him but I'm not ready to commit again. Ands, hindi pa ko ready magcommit kaya nga ayokong magpaligaw at ayokong mapalapit sa lalaki. Natatakot akong masaktan ulit. Takot akong maiwanan."

"Saph, kailangan mong magtiwala."

"I know. I'm just too scared to trust people."

"Okay. Just think about it. Andito lang ako, you can trust me."

"I trust you." I smiled. The most genuine smile I can give to my bestfriend.

Nakatulong ang pagkausap sakin ni Andy. Feeling ko ngayon lang ako nakahinga ng maluwag. Okay din palang may nakakausap ka tungkol sa mga problema, hindi yung puro sa blog ako naglalabas.

Undisclosed FeelingsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon