Chapter 16

67 4 0
                                        

"Pahingi naman ng chips-a-hoy!" sabi ko kay Andy sabay agaw sa hawak niya.

"Ano ba, best! Alam mo namang favorite ko to eh!" Nakipag agawan na lang ako sa kanya.

Papunta kaming Baguio ngayon, fieldtrip namin. 12am kaming umalis ng school, bago mag 5pm ay kailangan na din naming makauwi dahil madami na daw fog pag inabot kami ng dilim. Isang araw lang kasi tong fieldtrip, bitin nga eh! Ginawa man lang sanang overnight, diba?

After an hour, nakatulog na din ako.

Nagising ako ng magstop over kami sa hindi ko na natanong kung anong lugar. Nagulat ako dahil imbes na mukha ni Andy ang bumungad sakin ay pagmumukha ni Yexel ang nasa harap ko.

Sobrang lapit ng mukha niya, nakasandal kasi yung ulo ko sa balikat niya, nakapikit siya. Siguro tulog pa naman to. Pinagmasdan ko ang mukha niya. Ang gwapo niya pagtulog, pero mas gwapo siya pag gising.

Bigla siyang humarap sa side ko kaya sa di inaasahang pangyayari ay nagtama ang aming mga labi. Nanlaki ang mata ko at di agad ako nakagalaw, siya naman ay dumilat na at nanlalaki din ang kanyang singkit na mga mata. Agad akong napaatras at umiwas ng tingin. Humarap na lang ako sa may bintana.

"Sorry." sabi ko.

"S-sorry din." sabi niya.

Sana walang nakakita! Sana!

Ipinikt ko na lang ang mata ko para sana matulog ulit. Pero ewan ko ba kung bakit nagrereplay sa utak ko yung nangyari kanina.

Imbes makatulog ay paulit-ulit kong naaalala ang pagdampi ng malambot niyang labi sa akin. Nagkunwari na lang akong tulog para hindi nakakailang.

Narinig kong nagsipagpasukan na ang mga classmates namin. Nag-announce pa na after 15 minutes ay magbibiyahe na ulit at didiretso na sa first destination namin. Hindi pa din umaalis sa tabi ko si Yex, nasan na ba kasi si Andy?

Ilang sandali pa ay umandar na ang bus. Si Yexel pa din ang katabi ko. Nagpalit siguro sila ni Andy nung tulog ako kanina.

"Denise.." bulong niya sakin. Hindi ako kumibo o nagpakita ng sign na gising ako.

After a minute or two, naramdaman kong isinandal niya ang ulo ko sa balikat niya. Inakbayan pa niya ko para siguro mas komportable ako. Naramdaman ko pang hinawakan niya ang labi ko. Hindi ko maexplain kung ano yung naramdaman ko ng hawakan niya ang labi ko, ang weird ng feeling. But the truth is, I like the way he touches my lips.

"Your lips are so soft." narinig kong bulong niya. "..and kissable." he added.

Kinagat ko ang dila ko para pigilan ang sarili kong magreact at kiligin.

Undisclosed FeelingsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon