Chapter 20

60 4 0
                                        

Hindi ako mapakali kapag nasa paligid si Yexel, naiisip ko yung maamo niyang mukha nung tinangka niya akong halikan.

Pilit ko siyang iniwasan, mapa-text at sa tawag. Kinakausap ko lang siya tuwing may kailangan sa thesis o iba pang school related activities. Ngumingiti siya sakin tuwing dadapo ang tingin ko sa kanya, pero alam kong pilit lang yun, isang pekeng ngiti.

Palapit pa lang ako sa may apartment ko, naaninag ko na si Franz. Ano namang ginagawa niyan dito?

"Franz.. What brings you here?"

"Can we talk?" I nod.

Pinapasok ko siya sa loob para dun na lang kami mag-usap.

Nagpalit muna ko ng T-shirt at shorts. Inalok ko din siya ng maiinom at makakain.

"Oh. Kain ka muna." sabi ko pagkalapag ng tray na may laman ng sandwich, cookies at juice. Kumuha ako ng juice para uminom, siya naman ay kumuha ng cookies.

"Thanks." sabi niya.

"Ano pala yung pag-uusapan natin?" casual kong tanong.

"About..us." muntik ko ng maibuga yung juice na iniinom ko sa sinabi niya. Hinagod naman niya yung likod ko dahil sa pagkaubo ko.

Napatingin ako sa kanya, para pa din akong nakukuryente pag nahahawakan niya.

"A-ayos na ko." sabi ko sa kanya. Hininto na niya yung paghagod sa likod ko, pero nanatili sa likod ko yung kamay niya. Hindi niya ata napansin.

"Denise.. I'll not take it long." seryoso niyang sabi. Titig na titig siya sa mata ko, kitang kita ang sinseridad nito. "I want you back." he added.

Before I can say a thing, he started kissing me passionately, with love. I fight the urge not to kiss him back, but I failed. I miss him, and it feels wrong.

Nagflashback sakin yung araw na iniwan niya ko. Napaluha na lang ako at itinulak siya. Hindi tamang nakipaghalikan ako sa ex ko.

"I was.. I was just.. carried away." I said not looking at him.

He lifted my chin para makita ang mukha ko. I wiped my tears. I should not be crying in front of him. Not again.

"Denise.. mahal pa kita. Hindi nagbago yun." he's voice broke.

He's crying. I wiped his tears. Ayokong makitang umiiyak siya baka magbago bigla ang isip ko.

"Franz, ang tagal kong naghintay. Kung bumalik ka lang sana sakin years ago, buong puso kitang tatanggapin. Pero hindi ka dumating.. nawalan ako ng pag-asang babalikan mo pa ko. Lahat ng lalaking lumapit sakin nireject ko. Last year lang ako tumanggap makipagkaibigan sa kabaro mo, dahil ayokong maattach. Friendzone lang." napahinto ako dahil sa paghikbi. "Hanggang friendzone lang sila dahil wala akong tiwala. Gusto kitang paniwalaan pero Franz, iba na ngayon..sinira mo yung tiwala ko."

Hindi ko na natuloy yung sasabihin ko pa dahil nagtuloy tuloy na ang mga luha sa mata ko. Hinahabol ko ang hininga ko dahil sa sobrang pag-iyak. Nanginginig ang buong katawan ko. I feel so weak. Everytime I'm near Franz, nanghihina ako.

Niyakap niya ako at sabay kaming umiyak. Hindi ko alam kung gano kami katagal sa ganung posisyon.

Nang mahimasmasan ako ay humiwalay agad ako sa yakap niya. Basang basa yung T-shirt niya, ang dami ko na namang luhang sinayang dahil sa kanya.

Ngayon ko napatunayang siya pa rin pala hanggang ngayon ang kailangan ko.

"Franz..hindi ko alam kung sapat bang mahal lang kita."

Hinawakan niya ang magkabilang pisngi ko at hinalikan ako. It was a long passionate kiss. It feels like it was a kiss full of love, sadness and regret.

"Denise, mahal na mahal kita. I was completely insane to let you go like that. Iniwan kita hindi dahil sa nagsawa akong patago ang relasyon natin. My mom told me to break up with you-"

"A-ano? Bakit? Pano?" Gulong-gulo ako dahil sa sinabi niya.

Nakipagbreak siya sakin noon dahil sabi niya ay nagsasawa na siya sa sitwasyon namin. Patago lang ang relasyon namin dati, bawal pa kasi akong magkaboyfriend. Pumupuslit lang ako ng takas para makasama siya pag weekends. Sa school kami madalas nag-uusap, sa text at sa tawag. Hindi ko alam na dahil pala sa mommy niya. Isang beses ko lang nakita yung mom niya pero sa itsura pa lang ay halata mo ng strikta.

"Nalaman niya yung tungkol sa atin at hindi ko alam kung pano. Hiwalayan daw kita, hindi ako pumayag dahil mahal na mahal kita. Denise, ikaw lang ang minahal ko. Ikaw ang first and last love ko. Sinubukan kong maghanap ng iba, pero ikaw at ikaw lang talaga ang kailangan ko. Naging patapon ang buhay ko simula nung bakasyon dahil wala ka na pala sa inyo. I asked Pearl at sabi niya ay nagsolo ka na. Pinagtanong ko kung san ang address mo pero ni isa walang nakasagot. I was completely wasted and my mom regret what she did to me. Sabi niya sakin na pag nakita na kita ay wag na kitang pakawalan. Ang saya ko nung nakita kita sa mall kasama si Pearl, gusto na kitang makausap nun pero tinanggihan mo ako. Palagi mo pa akong iniiwasan tuwing nagkakasama tayo.

"P-pero bakit ayaw sa akin ng mom mo?"

"Hindi malinaw sakin nung una kung bakit pero sabi niya na kapag di kita hihiwalayan ay ipapatapon niya ako sa America para hindi na kita makita. Natakot akong hindi ka makita pero sh*t lang sa loob ng apat na taon ay nangulila ako dahil tanging picture mo lang ang nakikita ko." huminto siya saglit at hinarap ulit ako. "Nalaman kong ex niya pala ang papa mo at iniwan daw siya nito noon. I guess that explains everything." What?! Ex ng mom ni Franz si papa?!

"Bakit hindi mo ko pinuntahan sa school ko? " I asked holding back the tears.

"Hindi ko alam kung saan ka pumapasok. Tinanong ko lahat ng teachers at classmates natin, pati si Pearl.. pero hindi nila sinabi dahil ayaw mo daw ipasabi. Madalas akong nasa labas ng bahay niyo, naghihintay, pero di ka umuuwi. Pinagtanong ko ang number mo pero walang magbigay. I added you on facebook pero you blocked me. Wala akong magawa kundi maghintay na balang araw makikita din kita."

Hindi ko na napigilan at naiyak na naman ako. He hugged me tight and I hugged him back.

"Franz, mahal pa kita.. pero hindi pa ako handa."

"Maghihintay ako, Denise.. maghihintay ako."

Undisclosed FeelingsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon