Nakatambay ako ngayon sa room mag-isa, masyado ata akong napaaga. I took my phone then grab my earphones, magsa-soundtrip muna ako. Idinukdok ko na lang ang ulo ko sa arm-chair ng upuan, baka makaidlip ako kahit saglit.
Nagising ako ng madami ng tao sa room, ang ingay nga nila eh.. istorbo sa pagtulog. Napakunot ang noo ko ng bumungad sa akin ay ang gwapong pagmumukha ni Yexel, este pagmumukha lang. Dinakot ko yung mukha niya at hinarap sa ibang direksyon.
"Why are you staring at me like that?" I asked.
"Because I'm enjoying the view.. It's beautiful." I think I blushed so I looked away. "You look cute when you blushed." he said while pinching my cheeks.
"Ouch! That hurts!" I whined.
"Sorry. I just can't help it. You're too cute, you know?" I just rolled my eyes at him. Bolero pala to.
Hindi nagtagal ay nag umpisa na ang klase namin. Nagdiscuss lang naman at nag announce na next week ay may quiz kami.
Next subject naman ay research. The professor told us to group ourselves into five. Group thesis kasi ang gagawin namin, and it's a major requirement to graduate. Dahil si Andy lang ang friend ko dito, I mean siya lang ang kaclose ko, naghanap kami ng tatlo pang member para sa group. Yexel volunteered himself na makigroup samin, yung dalawang irregular student naman ay samin na din nakigroup.
"umm.. hi! I'm Ezekiel Fajardo. Kiel na lang." sabi nung isang irregular student na kagroup namin. Well, he look decent naman pero mukhang sanggano. Ewan ko lang ha! May tattoo kasi siya sa may braso.
"Hello! Ako pala si Catherine Medina, Cath for short." pakilala naman nitong isa. Maganda siya, ang kapal nga ng make-up eh. Kung titignan ko siya, masasabi kong maarte siya. The way she talks, halata mo na, idagdag mo pa yung way niyang manamit. Okay, I'm being unreasonable and judgmental here, but that's what I observed.
"Hello sa inyo! Andrea Corrine Jimenez is the name. Just call me Andy." ito namang si best kung makapag introduce ng sarili sobrang bibo. "And she's my bestfriend.." tinuro niya ako. "Sapphire Denise Tolentino." she added.
"Hi! Saph na lang." I smiled awkwardly. Hindi kasi ako sanay ng nakikipagkilala. That's why I have few friends. Nginitian at kinawayan ako ni Cath samantalang si Kiel deadma lang.
"Hello! My name is Yexel Gatmaitan! Soon-to-be boyfriend ni Denise." What the hell is wrong with this guy? Feeling si kuya! I'll never be your girlfriend.
"Sinong Denise? Si Saph ba?" may pagka chismosa pala tong Cath na to.
"Siya nga!" sagot niya at inakbayan pa ako. Inalis ko naman agad at sinuntok siya sa may braso.
"Asa ka dude! In your dreams!" sigaw ko sa kanya.
Nagbrainstorming lang kami ng topic na gagamitin namin at nagkuhaan na din ng number ng isa't isa. Mahirap na, irregular students ang kasama namin eh.
Ang daldal ni Cath but she's nice naman kahit maarte. Si Kiel parang hindi nag eexist. Tango lang o kaya iling ang alam. Oo at hindi lang, mga ganun. Man of few words ata.
Lunch break ng tumambay kami ni Andy sa may mall malapit sa school. Four hours ang vacant namin, wala kasi yung prof. Kumakain kami sa KFC ng may lumapit saming group of guys, mga apat sila. Actually, kilala namin sila. Wow! Small world nga naman.
"Hi Andy Hi Saph! Long time no see.." sabi ni Warren, highschool classmate namin. Magbabarkada yang mga yan. Kabarkada ni Franz. Well, they used to be our close friends.
"Dito lang pala namin kayo makikita." sabi naman ni Eric.
"Anong ginagawa niyo dito? If I know malayo dito ang school niyo?" tanong ni Andy.
"Haha! Nagcut kami ng class." sagot ni Lenard.
"Boring kasi kaya naisipan naming mag timezone kanina." sabi naman ni Jerome.
"Graduating na tayo! Di pa din kayo nagbabago?" tanong ulit ni Andy.
"Actually, kami nagbago na.. BI lang talaga tong si Jerome!" sabi ni Eric kaya binatukan tuloy siya ni Jerome.
"Hoy! Ako pa BI? Eh ikaw nga may back subjects ka pa kaya di ka gagraduate this school year."
"Gago! Kala mo ikaw wala." Nagtawanan pa silang apat. Mga loko talaga to.
"Ang tahimik mo naman Saph!" pag-iiba ni Warren ng usapan. Sa apat na yan, kay Warren ako pinaka naging close. Pero tropa ko lahat yan, not after what happened to me and Franz. Hindi ko na sila nakausap. Walang communication. As in.
"Oo nga, Saph! Kamusta ba? Gumaganda ah." siniko-siko pa ko ni Eric.
"Gago. Ayos lang! Kumakain kasi ko eh. Umupo nga kayo! Wag kayong humarang dyan." Nagsiupuan naman sila sa katapat na table namin at inusog palapit samin.
"Nga pala, si Franz nagCR lang saglit." di ko alam kung ano irereact sa sinabi ni Lenard. He's here? OMG! Wag tanga Saph! Andyan ang barkada niya malamang kasama yun!
"Speaking of the devil." bulong sakin ni Andy.
"Oh Saph, Andy nandyan pala kayo. Musta?" pacool niyang tanong at umupo sa tabi ni Jerome.
"Oks naman." sagot ni bestfriend. "Not until you came." she whisphered on me. May toyo talaga to.
"Ano ba Ands, ok lng." bulong ko sa kanya. "We're perfectly fine. Kumain na ba kayo?" tanong ko sa kanila. San ko naman nakuha ang lakas ng loob na yun? It's a matter of some basic acting skills. haha! Defense mechanism.
"Yup! actually, lalabas na dapat kami kaso nagCR si Franz and we accidentally saw you." sagot ni Warren.
"Since tapos na kayo, mind if you join us? Diyan lang sa Timezone." yaya ni Eric.
Gusto kong humindi kaya lang baka magmukha akong bitter, so I accepted. Tinanong pa nga ako ni Andy if sure ako, umoo lang ako. Medyo awkward nga lang pero titiisin na lang. I just need to act as if nothing happened between me and Franz, like what he did to me the last time I saw him.

BINABASA MO ANG
Undisclosed Feelings
Novela JuvenilSapphire is on her senior year in college. She had this gut feel about something, but didn't recognize what it is. Does it include Yexel, her new found friend? Or was it Franz, her ex-boyfriend who dump her four years ago?