My sembreak was fine. Nothing special happened after that vacation in Tagaytay.
Nagtago lang ako sa bahay for one whole week. Si Franz laging nasa bahay, nakikidinner sa amin. Okay naman sa parents ko, malaki na daw kasi ako. Botong boto pa nga sila kay Franz, gwapo na daw, mabait pa at may bonus pa ha, mayaman daw. Hindi naman mayaman sila Franz. Ang definition kasi ng mayaman sakin ay yung kagaya ni Christian Grey ng Fifty Shades. Haha! Oh well, I don't care about money and fame.
Busy ako ngayon sa OJT ko. I'm having my intern in one of the most prestigious company here in Philippines. Swerte talaga at nakuha kami dito.
After ko mag out sa office ay umuwi ako saglit para makapagpalit ng damit at dumiretso ako sa restaurant namin. Yeah, we have a restaurant. My mother is a chef and the manager as well.
I'm having a dinner with Franz, treat ko. And what made it special? I'll cook for him. Marunong naman ako magluto ng konti. Tinuruan ako ni mama, gusto niya din kasing maging chef ako but I didn't pursue that career.
Hindi pa naman kami ni Franz. Sabihin na nating M.U. kami. Nakakatawa nga, parang highschool teenagers ang dating.
I texted him, sabi ko malapit na maluto yung dinner namin. Nagreply naman siya na on the way na daw siya.
"Den, sorry I'm late. Traffic kasi." he said then kissed me on my cheek.
"It's fine. You're just in time. So, shall we eat? Ako nagluto niyan."
Kumain na kami at sabi niya masarap naman daw. I don't know if it's a compliment or what. He should have said masarap, wag na dapat idugtong yung naman.
"What's wrong? Hindi ba masarap?" I frowned.
"No, Den. The food's delicious." I smiled. "May tingin lang kasi ng tingin dito. I mean, sayo. Tss. Pag ako di nakapagpigil, mananapak na ko."
Sinundan ko ang tingin niya. My jaw almost dropped. It's Yexel. What is he doing here? He looked at me with a painful expression in his face.
"Do you know him?" Tanong ni Franz.
I nodded, still looking at Yexel. Tumayo siya at lumabas na. Hindi ko magawang sundan siya. Baka lalo lang siyang masaktan pag kinausap ko siya.
"Who's that bastard?" tanong ulit ni Franz. Tinignan ko na siya at ngumiti.
"One of my classmates. Wag mo ng isipin yun. Kain na tayo."
Naging maayos naman ang dinner namin, wag na lang isali yung part na nakita ko si Yexel.
Months passed, ang bilis ng araw. Parang kahapon nag-oOJT pa kami ni Andy, ngayon graduation na lang ang hinihintay namin.
Yung mga ka-intern namin inaaya kaming magparty, siguro kung isa akong party animal ay umoo na ako pero dahil normal teenager ako, hindi ako pumayag. Andy also rejected their invitations dahil ayaw ko daw. Natawag pa nila akong KJ.
Pero sa huli wala na kong nagawa kundi ang sumama, masyado silang mapilit.
"Isang shot lang Saph!" sigaw ni Ashley. Halos di na nga madinig dahil sa lakas ng sounds.
"Di talaga ko umiinom." sagot ko naman sabay iling pa.
Si Andy, naku lasing na. Sinabi ko namang wag uminom, uminom pa. Tinawagan ko na nga si Franz kanina para magpasundo, siguro naman malapit na yun.
"Isa lang talaga, promise!" sigaw ulit niya at inabot sakin yung baso. Inamoy ko muna, hindi ko talaga ma-take.
"I-straight mo lang, Saph!" sigaw naman ni Steph. Nag-aalangan pa ko bago inumin yung hindi ko naman alam kung anong tawag dun.

BINABASA MO ANG
Undisclosed Feelings
Teen FictionSapphire is on her senior year in college. She had this gut feel about something, but didn't recognize what it is. Does it include Yexel, her new found friend? Or was it Franz, her ex-boyfriend who dump her four years ago?