Finally! Graduation na! Kadarating ko lang ng venue. Everyone is wearing their brightest smile, including me. Andy is our magna cumlaude. Bestfriend ko yata yan! Nagmana ko diyan eh! Cumlaude naman ako, biruin niyo yun? Best thesis pa kami, syempre makagroup mo ba naman ang pinaka matalino ng batch.
"Tolentino, Sapphire Denise R., Cumlaude." tawag ng adviser namin. Umakyat na ko ng stage at tinanggap ang diploma. Sa wakas, graduate na talaga ko!
Matapos ang halos apat na oras na program ay nagsiuwian na ang iba naming kabatchmates. Ako at si Andy ay nagpasalamat muna sa mga professor namin at nagpapicture na din.
Palabas na kami ng venue ng harangin kami ni Yexel.
"Denise.. Let's talk, please?" he pleaded. Tumango ako at pinauna na si Andy. Tinext ko na din si mama na baka matagalan ako ng konti dahil may kakausapin ako.
Naglakad lakad kami kung saan tahimik at walang tao. Kung saan makakapag-usap kami ng matino. Nang huminto siya ay huminto na rin ako.
"Denise.." bumuntong hininga siya at nagpatuloy. "Bakit mo ko iniwasan? Halos mabaliw na ko kakaisip sayo sa lumipas na mga buwan."
"Yex, ginawa ko lang yun para di ka na umasa sakin. Umpisa pa lang naman hindi na talaga kita pinapansin."
Sana wag kang magalit. Ginawa ko lang ang nararapat. Para sayo at para sakin.
"Alam ko.. pero akala ko okay na tayo. Akala ko pwede na."
"I'm sorry. Di ko alam na ganun ang tingin mo. Sorry, Yex. You're a good friend, I dont want you to be hurt."
Unti-unti ay naramdaman ko ang pagpatak ng mga luha sa mata ko. I don't deserve Yexel. He's a good man. Madami pa namang babae ang mas better sakin. Yung kayang suklian ang pagmamahal niya, at hindi ako yun.
"Shh.. Don't cry. I hate to see you cry." Lumapit siya sakin then he wiped my tears.
"Yex, I like you but I don't love you.. You'll find someone better. Someone who'll love you, the way you love me." I managed to say between my sobs.
He smiled. A weak smile. "Don't worry. I'll be fine." He hugged me tight.
Ito na siguro yung pinakamatagal na yakap sa buong buhay ko.
Hindi nagtagal ay naramdaman ko ang paghikbi niya. Hinagod ko na lang ang likod niya. Ang tanga ko dahil binalewala ko siya, pero ganun talaga.. kailangan niya ng taong handang mahalin siya.
"So, this is goodbye?" he asked. I nod.
"See you soon, then."
"Sana pag nagkita tayo ulit, may girlfriend ka na ha." pilit akong ngumiti.
"Sige ba." Pilit din siyang ngumiti.
"Bye."
"Bye."
Aalis na sana ko pero hinigit niya pa ko at niyakap sa huling pagkakataon.
"Mamimiss kita." bulong niya.
Mamimiss din kita pero di ko na sasabihin dahil baka makadagdag lang sa sakit. Kumalas siya sa yakap tsaka ngumiti sakin. This time, sigurado akong totoo yun. I smiled back.
"Mag-iingat ka ha?" I nod then he kissed me on my cheek.
YEXEL'S P.O.V.
Umalis na siya. Wala na. Kahit anong laban ang gawin ko, hindi ako mananalo dahil may mahal siyang iba.
Ang sakit. Ngayon lang ako nasaktan ng ganito. Pwede bang mamatay na lang? Ang emo naman masyado.
I remember the first day I saw her. First year college nun. It was the first Wednesday of the sem. P.E. time. She asked me "Hey! Is this PE 101 of Mr.De Jesus?" Literal na natulala ako at nabigla. Hindi ko inaasahan na tatanungin ako ng isang anghel. Pautal utal akong sumagot ng oo. Nagpasalamat siya sakin and in that day nginitian niya ako. Ang ganda ng ngiti niya, nakakahawa.

BINABASA MO ANG
Undisclosed Feelings
Подростковая литератураSapphire is on her senior year in college. She had this gut feel about something, but didn't recognize what it is. Does it include Yexel, her new found friend? Or was it Franz, her ex-boyfriend who dump her four years ago?