Chapter 15

73 4 0
                                        

Pinagbabatukan ko yung tatlong ugok. Nasa likod nila si Andy, wagas kung makangiti. Tinignan pa niya ko na parang sinasabing 'ano yan ha?'. I just rolled my eyes at her.

"Mga baliw!" sigaw ko sa kanila. Pinapasok ko naman sila at pinaggawa ng juice, si Andy nagkukuha ng chips at chocolates. Patay! Mauubos stock ko nito eh.

"Best, ano bang meron sa inyo ni Warren?" tanong niya habang hinihintay akong matapos magtimpla.

"What kind of question is that? You see, we're close friends. Dati pa naman kaming close diba?"

"I know. Pero iba na ngayon."

"What do you mean?"

"Four years na nung huli kayong magbonding, tapos agad agad close ulit kayo?"

"Alam mo namang parang kuya ko na yun. Namimisinterpret mo lang siguro ang closeness namin. We're friends. Nothing more. Just that."

"K, fine! Sabi mo eh."

Dinala na namin sa kanila yung juice and chips. Nilantakan nila kaagad ang Lays ko. Favorite ko pa naman yun. Ako kitkat na lang kinain ko dahil busog pa naman ako.

Naghanap sila ng mapapanuod na movie sa dvds ko. Halos chick flicks lang meron dun kaya napilitan silang panuorin yung Friends with benefits. Sabi ko nga wag yun kasi naman nakakahiyang manuod nun kung kasama mo puro lalaki. Sabi naman nila, matured naman na daw kami kaya walang dapat ipag-alala. Si Andy nakisang-ayon sa kanila kaya wala na kong nagawa.

Nasa gitna ako ni Andy at Warren. Sobrang uncomfortable talaga ko dahil puro lalaki ang kasama namin. Tahimik ang lahat at titig na titig sa tv. Medyo stiff din si Andy, pano naman kasi yung pinapalabas na ay yung ano. Kinuha ko na lang yung cellphone ko para mabaling sa iba ang atensyon ko.

May 5 unread messages ako, lahat galing kay Yexel. Tinignan ko yung thread.

From: Yexel

Ingat ka Denise.

May nakalimutan pala kong sabihin. I love you. ;)

Reply ka naman.

Busy ka ba?

Busy ka siguro noh? Ingat ka ha.

"Anong nginingiti mo dyan, hon?" bulong ni Warren.

"Wala!"

"Sus! Sino ba yang katext mo?"

"Wala. Manuod ka na lang." Tumayo ako at pumunta ng kitchen. Ayoko na dun. Ang awkward manuod kasama sila. Sumunod din si Andy sakin.

Nagkwentuhan na lang kami ni Andy habang nanunuod pa sila. Sumigaw pa nga si Eric kanina na bumalik daw kami, maganda daw yung palabas. Di na lang namin pinansin.

After an hour, sumigaw sila na tapos na daw at pupunta daw sila sa kwarto ko. Napatakbo ako agad. Nakakahiya naman, ang dumi pa man din ng kwarto ko.

Nadatnan ko na lang sila sa loob ng kwarto ko, nakaupo sila sa single bed ko.

"Ang liit naman ng kama mo." sabi ni Lenard habang inuusisa yung mga pictures sa bedside table ko.

"Ang nene niyo pa dito sa picture ah!" sabay pakita pa ni Jerome nung picture ko at ni Andy nung first year highschool pa lang kami.

"Cute nga eh!" sabi ni Andy.

"Cute ba yan?" parang diring diri pa ang itsura ni Eric habang sinasabi yun.

"Cute naman talaga!" pagsang ayon ko pa kay bestfriend.

"Nasa iyo pa pala to." napatingin ako kay Franz at sa hawak hawak niya ang life-sized teddy bear, yung bigay niya sakin dati nung kami pa.

"Oo. Babawiin mo na?" sabi ko na lang sabay pout.

"Hindi." sabi niya ng nakangiti. Hindi ko na lang siya kinibo.

"Labas na nga kayo! Ang dumi ng kwarto ko eh!" pag-iiba ko ng usapan, lahat kasi sila nakatingin samin.

"Oo na! Oo na!" Lumabas na sila pero naiwan si Franz.

"Di ka pa ba lalabas?" tanong ko.

"Lalabas na po." sabi niya sabay kurot sa pisngi ko. "Masaya kong makita na tinago mo pa pala yung teddy bear na bigay ko." sabi niya bago lumabas.

Undisclosed FeelingsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon