"Parang may pinaghuhugutan ah?" sabi ni Rick pagkatapos kong kumanta.
"Baliw! Trip ko lang kantahin yun."
"Pero Saph, ang ganda pala ng boses mo. Lalo akong naiinlove sayo." sabi niya pero di ko nadinig yung huli kasi pabulong lang sa sarili niya.
"Ano?"
"Wala. Sabi ko kanta ka ulit."
"Ayoko nga. One is enough."
"Ge na nga. Ako na lang ang kakanta para sayo." he winked at me then kinuha na niya yung songbook at naghanap ng kanta.
Pagkatapos namin magkantahan ay kumain na lang kami ng dinner sa Mang Inasal. Nilibre ako ni Rick si Andy nilibre ng boyfriend niya. Nagkwentuhan lang kami habang kumakain. Siguro iisipin ng ibang makakakita samin ay nagdodouble date kami, pano ba naman tong dalawa sa harapan ko kung magsubuan wagas. Yung katabi ko naman kanina pa ko inaasikaso, sweet nga niya. Kung di ko lang to kaibigan baka inisip ko ng may gusto sakin to.
"Punta lang akong CR." paalam ko sa kanila.
Naglakad na ko papuntang CR ng may makita akong pamilyar na lalaki sa isang table malapit samin. Magisa lang siya. Yumuko siya ng lapitan ko siya. Ang weird. Hindi siya kumibo, pero alam kong nakita niya ko.
Imbis na lapitan siya, dumiretso na ko ng CR. Hindi ko nga pala siya dapat pansinin. Nag ayos lang ako ng konti. Ang haggard ko na kasi tignan. I tied my hair, at nagpowder na din.
Paglabas ko ng CR, nandun siya sa may gilid. Nakasandal sa pader, his left hand on his pocket. Ang cool tignan. Lalagpasan ko na sana kaso hinawakan niya ko sa may braso ko.
"Uh. Hi" I said awkwardly. Isang linggo ko na siyang hindi pinapansin. Pero lagi pa din siyang bumubuntot sakin.
Tinignan ko siya, bakas sa mukha niya ang lungkot at inis. Inalis ko yung kamay niya sa braso ko pero agad din niyang nahawakan at niyakap ako mula sa likuran. Ipinatong niya ang ulo niya sa may kanang balikat ko. Ramdam na ramdam ko ang hininga niya, parang gusto ng sumabog ng puso ko sa kaba.
"Denise." bulong niya. Gusto kong kumawala pero parang napako ako sa kinatatayuan ko.
"Let me go." I said.
"No. I don't want to... I miss you so bad, and it kills me."
"Yex just let me go. Uuwi na kami."
"Ayoko. Mag-uusap pa tayo."
"Wala tayong pag-uusapan dahil uuwi na ako."
"Please, Denise. Kahit ngayon lang. You're ignoring me since last week. May problema ba? "
"Wala, ano ka ba. Snob lang talaga ko."
"No. Alam ko. You're doing it purposedly."
"I didn't." I lied.
"Yes, you did. You're ignoring me because something's wrong. And I don't know what it is."
"Yex, you're just overreacting. Please lang, bitaw na. Baka hinahanap na nila ko."
"No. Sabihin mo muna kung anong problema."
"Ilang ulit ko bang sasabihing wala. Ganto na talaga ko dati pa, kaya wag ka ng magtaka."
Pinilit kong makawala sa mga bisig niya, mabuti na lang at di na siya nagpumilit pa. Bumalik ako sa upuan ko ng parang walang nangyari. I managed not to breakdown. Swerte ko lang at hindi na ko sinundan pa ni Yexel.
BINABASA MO ANG
Undisclosed Feelings
Teen FictionSapphire is on her senior year in college. She had this gut feel about something, but didn't recognize what it is. Does it include Yexel, her new found friend? Or was it Franz, her ex-boyfriend who dump her four years ago?