Natapos na ang sem, naging maayos naman ang grades ko. OJT na lang ang kulang at graduate na ko.
Sa bahay na ko umuuwi, may bago ng renter yung apartment ko dati. I even changed my number and deactivated my facebook account.
Franz is courting me. Hindi nga siya nagtanong kung pwede bang manligaw, basta daw gagawin niya kung anong gusto niya.
May two days vacation kami somewhere in Tagaytay. Birthday kasi ni Matt, nag aya siya na dun i-celebrate ang 21st birthday niya. His family own that place, kung di niyo natatanong ay mayaman talaga yang kumag na yan. Swerte nga ni bestfriend dyan, syempre pati ako nababasbasan din ng biyaya.
Nasa isang van kami sumakay. Ako, si Andy, Matt, Rick at yung iba nilang barkada at syempre mga girlfriends din nila. OP nga ako, ako lang dito ang walang boyfriend. Isa lang akong malaking sabit. Isang palamuti. Haha.
"Kung bakit kasi di mo ligawan si Saph? Ha Rick?" sabi nung barkada nilang brown ang buhok, gwapo nga kaso may gf.
"Tumahimik ka na lang diyan Xander!" sigaw sa kanya ni Rick.
Tumawa na lang ako at sinabing "May HD ka ba sakin, Rick?"
"Anong HD?"
"Hidden Desire! Oo Saph, may HD yan sayo!" sabay hagalpak na tawa ni Andy sa may front seat, katabi ni Matt. Tumawa din si Matt. Namula na lang sa hiya si Rick, o baka nagblush?
Magkasama kami ni Andy sa isang kwarto. Yung tatlong girls nasa kabilang room. Yung mga lalaki, di ko alam.
Matapos namin ayusin ang mga gamit namin ay nagpalit na kami ng two piece, magswimming daw kami later. Pinatungan ko na lang ng maxi dress ang two piece ko, ganun din si Andy.
"Di ka pa ba mags-swimming, Saph?" tanong ni Math. Nasa pool na silang lahat, nakaupo lang ako dito sa gilid ng pool, umiinom ng juice.
"Ubusin ko lang to." sabay taas ko sa baso ng juice.
Pagkaubos ng juice ay hinatak na ko nila Andy. Hindi ko pa nga natatanggal yung maxi dress ko.
"Yah! Nabasa tuloy dress ko!" I whined.
"Tanggalin mo na kasi, best." umusog ako papuntang gilid at tsaka tinanggal yung dress ko.
"Sexy ah!" pang-aasar ni Matt. Binatukan siya ni Andy.
"Gag*!" sigaw ko.
I can see the stares of the boys here, well, ecxept for Matt. Loyal kaya yun kay Andy. My bestfriend is sexy too. Mana ako diyan!
"Bakit ka nagganyan?" tanong ni Rick, na halata mong galit na galit.
"Huh?"
"Masyadong daring." he said through gritted teeth.
"Sila din naman." sabay tingin kay Andy at sa tatlo pa naming kasamang babae.
"But.. lahat sila nakatingin sayo." tingin naman sa barkada niya.
"Ikaw din naman." tinalikuran ko siya at nakita kong namula siya sa sinabi ko. Ha! Boys are boys, eh?
Bumalik na ko sa kwarto namin para magpalit. Grabe lang makatingin yung barkada ni Matt. Mga lalaki nga naman!
Nagtext sakin si Franz. Miss na daw niya ako kaya eto tatawagan ko na lang siya kesa mabored ako dito ng husto. Isang ring pa lang ay sinagot na niya.
"God! I miss you!" bungad niya sakin.
"You're exaggerating, Franz. Kakakita lang natin kahapon."
"Yun na nga! Last time I saw you was yesterday. Nasan ka ba?"
"Didn't I tell you? I'm here somewhere in Tagaytay." He sighed.
"Where exactly in Tagaytay?"
"Why? I don't know. I'll text you later the address."
"Okay. Text me ASAP. I'll go there."
"What?!"
"Just text me the address, okay? I'm hanging up. Bye. I love you."
"Bye." I love you, too.
Hindi ko sinabi kay Franz kung nasaan kami. Ayoko namang mag gate crash siya. Nakakahiya kay Matt at sa barkada niya. Pero nagulat ako kinabukasan ay nandito na lang siya bigla kasama si Warren. Tinignan ko si Andy, siguradong siya ang nagsabi kay Franz. Sorry, she mouthed.
"Bat ka pumunta?" I asked Franz, nandito kaming dalawa sa may labas, palakad lakad.
"Coz I miss you." hinawakan niya yung kamay ko. We're now walking hand in hand.
Sandaling katahimikan ang nanaig sa pagitan namin. It seems like we're just enjoying the moment we had. Kung sana..walang masasaktan pag pumili ako ng isa.
Huminto kami sa isang park, medyo malayo layo na din yung nalakad namin. Umupo ako sa isang bench at tumabi naman siya sakin. He rested his head on my shoulder, at magkahawak kamay pa din kaming dalawa. Isinandal ko na lang ang ulo ko sa kanya.
"Warren told me... may nanliligaw daw sayo from your classmates ." he said to broke the silence.
"What about it? You know, I keep ignoring him since day one.. but he keeps bugging me.." I said. "but he's special. " I added.
"Do you like him?"
"Do you want me to answer that?"
"Oh. I got it." There's a long silence before he continue. "What about me?" he asked.
I intertwined our hands. He looked at me with questioning eyes.
"You know it already, Franz. I'm just not ready... yet."
-
When am I going to be ready? How can I be sure that if I take risk.. I can have my happily ever after? I don't actually believe the phrase happily ever after but let's face it, every girl wanted that. I really wanted that.
- SD

BINABASA MO ANG
Undisclosed Feelings
Fiksi RemajaSapphire is on her senior year in college. She had this gut feel about something, but didn't recognize what it is. Does it include Yexel, her new found friend? Or was it Franz, her ex-boyfriend who dump her four years ago?