Mahigit dalawang oras kaming naglaro sa Timezone. Enjoy sana kaya lang sa tuwing lalapit sakin si Franz, kinakabahan ako. Nakahalata nga si Andy kaya ang ginawa niya, hihigitin na lang niya ko bigla para makalayo kay Franz.
Palabas kami ng mall ngayon, may klase pa kasi kami ni Andy, sila naman ewan ko kung may klase pa o uuwi na.
Nagitla ako ng maramdaman kong nagvibrate yung phone ko, agad ko itong kinuha. May tawag pala, akala ko text lang. "Kulit talaga nito." bulong ko. Napatingin naman sila sakin ng may pagtataka. "Hehe. May phone call lang. Excuse." tumalikod ako sa kanila tsaka ko sinagot.
"Oh? Problema mo?"
"Kakaiba ka talaga mag hello noh." Tumawa siya saglit at pinagpatuloy ang sinasabi niya, "Hello din!" tumawa pa ulit siya. Baliw ba tong kausap ko?
"Whatever! Bat ka ba tumawag?"
"Namimiss lang kita, love." Eww! "Kanina pa kita hinahanap, di kita makita. Nasan ka ba?"
"Love mo mukha mo! Tigil na please. Nasa mall kami ni Ands, papunta pa lang kami ng school. Happy?" note the sarcasm!
"Bat di niyo ko sinama?" sa tono ng boses niya, mukhang nagtatantrums na siya. May pagkaisip bata din tong lalaking to eh.
"Close ba tayo? Hindi naman diba? Bye. See you later na lang."
"Ge na nga. Ingat ka love. Bye! Mwah!" Yuck! May nalalaman pang ganun.
Pagkaend ko ng call ay humarap ako sa kanila. Anong trip ng mga to? Nakinig ba sila sa usapan namin? "Anong problema niyo?" pagtataray ko sa kanila.
"Boyfriend mo ba yun, Denise?" tinaasan ko lang ng kilay si Warren. Asa ka Warren! Bat ko magiging boyfriend yun?
"Si Yexel ba yun, best?"
"Alam na alam mo ah."
"Guys, Manliligaw pa lang ni bestfriend yun. Soon to be boyfriend pa lang!" at nabaliw na po si Andrea. Tumawa na ng tumawa, nahawa na ata kay Yexel.
"Yun oh! Gwapo ba?"
"Hoy Eric! Bat ka interesado? Bakla ka ba?" pang-aasar ko. "Please lang ha! Tigilan niyo ko!"
Hindi natapos dun ang pag-iinterrogate nila sa akin. Tanong sila ng tanong pero deadma lang ako. Si Andy lang ang sumagot sa kanila.
Inaasar nga din nila si Andy kasi may boyfriend daw pala to. Sayang nga daw sabi ni Lenard, may balak pa atang ligawan ang bestfriend ko. Asa ka Lenard! Gwapo at mabait boyfriend ni bestfriend. Sa katunayan, lagpas isang taon na sila ni Matt.
Last year nung nakilala namin si Matt. Umattend kami ng debut nun ng isa sa blockmates namin, si Helena. Di naman kami ganung kasclose sa kanya pero dahil blockmates kami, invited kami. Magpinsan silang dalawa, pinakilala niya kami, nagkakwentuhan and the rest is history. Mabait si Matt, gwapo at matalino. Fifth year na siya ngayon, architecture ang course sa school din namin. Close kami nun, sa tagal ba naman nila ni Andy eh.
May nireto pa nga sakin yan dati, bestfriend niyang si Rick. Siyempre deadma lang ako dahil di kami talo. Friends naman na kami ngayon ni Rick. Sabit kami lagi nun pag may date si Andy at Matt, napapagkamalan tuloy kaming magsyota. Tinatawanan ko na lang yung mga chismosang nag-iisip nun. Ako at ako lang sa sarili ko ang nakakaalam ng totoo. Why bother? Right?
"Natulala ka na diyan?" napatingin ako kay Franz. Andito kami ngayon sa parking lot ng mall, hahatid daw niya kami sa school. Ayaw nga namin kaso mapilit.
"W-wala. May..may iniisip lang ako."
"Ano naman yun?"
"Yung.. yung thesis topic. Tama. Yung thesis topic namin." pagdadahilan ko.
"Akala ko pa naman ako yang iniisip mo." he said then nagpout siya. Cute sana eh.
"WHAT?!" napatingin naman silang lahat sakin.
"Makasigaw ka naman, Denise." komento ni Jerome.
"Tse!" sigaw ko sa kanya. Lumingon ako kay Franz at sinabing "Wag assuming kuya." sabay roll eyes ko pa. Gago din tong si Franz, tinawanan lang ako at ginulo yung buhok ko. FC much? Asar!
Di na lang ako kumibo buong biyahe. Sa kotse kami ni Franz sumakay, nasa likod lang kaming dalawa ni Andy, nasa harapan si Warren. Yung tatlo nakasakay naman sa kotse ni Lenard. Kasunod lang namin sila, hahatid daw kami hanggang sa loob ng campus para makita naman nila kung maganda daw ba yung school. If I know, hahanap lang sila ng chiks. Boys are boys!
Pagkababa namin ng kotse, nagsisitinginan samin yung ibang mga studyante. Ngayon lang ba sila nakakita ng mga naggwagwapuhang lalaki? Hindi naman exaggeration yun. Gwapo naman talaga tong mga kasama ko, sa tangkad nga at katawan nila, mapapagkamalan mong model ng bench. Dati naman kay papayat pa ng mga yan, baka naggym sila kaya ganyan.
"Pre, tignan mo naman yung mga babae kung makatitig sa inyo parang ewan. Lakas ng dating nyo ah!" sabi ko kay Warren. Ang loko ngumiti lang, kinilig naman lalo yung iba. Tignan natin kung di kayo mainggit. Evil Saph, coming up!
Ikinawit ko yung kamay ko sa braso ni Warren. Napatingin nga siya sakin, nginitian ko lang ng nakakaloko.
"Ang sweet naman ni Denise." bulong sakin ni Warren.
"I know right." sagot ko naman.
"Ang gwapo naman ng boyfriend niya. Sana single pa yung apat."
"Oo nga! Taga dito ba sila?"
"Ngayon ko lang nakita yang mga yan, baka hinatid yung girlfriend."
"blah blah blah."
Bulungan ng bulungan tong mga babaeng to. Maghanap kayo ng lalaki niyo. Hindi kayo bagay sa tropa ko.
"Anong oras ba klase niyo?" tanong ni Jerome.
"After an hour pa." sagot ni Andy.
"Yun! Tour niyo naman kami." sabi ni Eric.
"Oo nga naman." pagsang ayon ni Lenard.
"Wala na ba kayong pasok?" tanong ko.
"Wala na." sagot ni Franz. Ikaw ba tinatanong ko? Ha? Ikaw ba? Eh bat ang bitter mo, Saph? Eh bat ko ba kinakausap sarili ko?
"Okay. Lets go!" sigaw ni Andy. Ang hyper talaga nito.
"Okay lang ba sa inyo, Denise?" bulong ni Warren.
"Yeah, sure. Friends naman namin kayo. Besides, mamaya pa klase namin." I smiled at him.
No big deal. Friends. Oo, friends na lang. Hanggang dun na lang. Pero bakit ang sakit pakinggan na hanggang friends na lang? Geez! Saph, get back to your senses!

BINABASA MO ANG
Undisclosed Feelings
Fiksi RemajaSapphire is on her senior year in college. She had this gut feel about something, but didn't recognize what it is. Does it include Yexel, her new found friend? Or was it Franz, her ex-boyfriend who dump her four years ago?