Chapter 22

76 4 2
                                    

Sa araw nung panel defense ay nag-aral talaga kong mabuti kahit na hindi ako mapakali.

Una, dahil kinakabahan ako sa mga itatanong ng panel. Pangalawa, ay dahil sa mga titig ni Yexel na pilit kong iniiwasan. At huli ay dahil nagmessage sa akin si themastermind, kilala daw niya ako at magkita daw kami mamayang gabi sa may Mcdo sa tapat ng school.

Hindi naman masyadong mahirap ang mga tanong ng panel sa amin. Teamwork lang talaga ang katapat. Sapuhan sa twing wala ng masabi ang isa.

Next week daw malalaman ang grade namin at kung anuano ang mga ieedit. Next sem pa naman kami magpapabookbind and all. Dadaan pa kasi sa editor o linguistics ata yun. Ewan ko. Hindi ko na kasi masyadong inintindi ang sinasabi ng thesis adviser namin.

Dumiretso ako sa Mcdo dahil gabi na din kaming natapos. Panghuli kasi kami sa nagdefense kaya inabot na ng dilim. Gusto pa nga akong kausapin ni Yexel pero humindi ako. Ewan ko lang kung sumunod siya sakin dito sa Mcdo, pero wag naman sana.

"Secret Diary." sabi ng isang pamilyar na boses mula sa likuran ko. Nilingon ko siya at literal na nalaglag ang panga ko. Siya si themastermind? I can't believe this!

"Warren? I-ikaw si-" di ko natapos ang sasabihin ko dahil tumango agad siya. So, siya talaga? Nakakahiya! Nabasa niya ang mga kadramahan ng buhay ko!

"Paanong-?" Di ko na naman natapos ang sasabihin ko dahil umupo na siya sa harap ko at sinabing..

"I just figured it out. Matagal na akong reader ng blog mo, and most of your blog posts fits you well. I mean, karamihan ng posts mo ay tungkol sa nangyayari sayo."

"How is that even possible?"

"May isa kang post dun, just last few months.. you subsconsciously drop your name. The 'i love you, denise' thing. Your initials are SD, and it explains everything."

"I don't know you're that smart, huh?" I rolled my eyes.

"I'm just good at seeing things the other way around."

"Whatever!" Ikaw na magaling! "So, bakit mo pa sinabi saking kilala mo ako?"

"Gusto ko lang malaman if okay ka." he sounds very concern. I smiled.

"Yeah. I'm good."

"Torn between two lovers, eh?" napakunot noo ako. "Don't act like an innocent kid. I'm talking about Franz and the guy who kissed you in the cheek." Nag-init ang mukha ko sa kahihiyan. Grabe naman kasi ang tawag niya kay Yexel.

"May pangalan siya. Yexel." nagpout pa ko.

"So, what? You're choosing that guy over Franz?" Umiling siya. "Dont you know that Franz love you so much?"

"I know. And I'm not going to choose."

"Ano? Ano yun paasahin mo yung dalawa?" Umiling ako.

"Hindi. Gago! I'm avoiding Yexel, okay? And Franz, he said he'll wait." Tumango tango siya na parang may iniisip.

"Di ba parang unfair kay..what's he's name again?"

"Yexel."

"Yexel. As I was saying, hindi ba't parang unfair yun kay Yexel?"

"Bakit naman?"

"Dahil bigla ka na lang umiwas. Talk to him. You need to clear things."

"O-kay. In time."

"Yeah.. in time. Just be quick." napairap na lang ako sa kawalan.

"Opo, kuya."

"Kelan mo naman balak balikan si Franz?" Tinaasan pa ako ng kilay.

"I. Don't. Know." Kumunot ang noo niya na parang sinasabing kailangan ko pang mag-explain. "Kapag handa na ako."

"Hindi ka pa ba handa? Four years have passed."

"I'm scared, okay? I'm scared of being left behind. What if, iwan niya ako ulit?"

"What if.. dyan tayo nagkakagulo eh. What if hindi ka na niya iwan? Madaming pwedeng mangyari, you'll just need to take a chance, again."

What if's. Ang dami ko niyan. Hindi ko lang alam kung anong what if ang isusugal ko. Alin ang ite-take ko ng risk. Ewan ko. Bahala na si batman.

Undisclosed FeelingsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon