Chapter 17

65 4 0
                                        

Masama to! Masamang masama! Kanina ko pa paulit ulit sinisigaw sa utak ko yan. I can't fall for this guy! Hindi maaari!

Kanina pa din ako nagpapanggap na tulog. Sana nga nakatulog na lang ako kesa iniisip tong mga bagay na to.

Hindi ko alam kung ilang oras na ang lumipas, basta ang alam ko lang ay ngalay na ngalay na ko. Ilang beses ko ng binalak na kunwari ay nagising ako kaso lang hindi ko magawa. This time kailangan na talaga. Mababali na ata yung ulo ko sa sakit eh.

Gumalaw ako ng konti at nagkusot ng mata. Humarap ako sa kanya at ngumiti ng bahagya. "Sorry, nakatulog pala ko sa balikat mo." sabi ko sa kanya at umupo ng ayos. Ganyan nga Saph, umarte ka pa.

"Okay lang." sabi niya at ngumiti. Bakit parang gumagwapo ata siya lalo? Epekto ba to ng accidentally kiss namin?

Kumuha na lang ako ng makakain sa bag ko dahil wala na kong masabi sa kanya. Inalok ko naman siya, kaya eto share kami sa Lays ko. Kukuha na sana ulit ako, ng kamay niya pala ang mahawakan ko. Ano ka ba naman Saph? Nakakahiya ka na! "Sorry." "Ok lang kahit hawakan mo pa buong araw ang kamay ko." napakunot ang noo ko sa sinabi niya. Kumuha ako ng isang dakot na lays at sinupalpal sa bunganga niya. "Wag kang magsasalita!" kinikilig kasi ko pag bumabanat ka at ayoko sa nararamdaman ko! Tinignan lang niya ko ng nagtataka.

Before 5am ay nasa Baguio na kami. Si Andy ay wala sa bus, nagtext sakin na kasama niya ang bf niya. Isinama pala siya sa bus nila Matt nung nagstop over kanina. Sa kamalasan nga naman, si Yexel tuloy ang kasama ko.

Panay picture picture lang naman ang nangyari samin. Bongga nga si Yexel, naka dslr siya. Siya na mayaman! Digicam lang kasi dala ko. Puro stolen shots nga ako sa cam niya, ayaw namang burahin at ayaw ipahiram sakin yung camera niya dahil baka daw burahin ko.

Wala namang significant na nangyari, picture dito picture dun. Bili dito, bili dun. Ang dami ko ngang biniling pasalubong sa Mines View Park eh, kaasar! Halos maubos na pera ko.

Nandito kami ngayon sa SM Baguio, ngayon pa lang kami magla-lunch ni Yexel, 3pm na nga at kailangan bumalik sa Burnham park ng 5pm.

Nagjollibee na lang kami, mahaba ang pila dahil madaming tao pero dahil gusto ko ng chicken joy ay pinilit ko si Yexel na dito na kumain. Ang bait nga niya, nilibre ako ng two piece chicken joy at isang large fries with drinks syempre.

Pagkatapos kumain ay naglakad lakad kami.

Ayun! Icecream!

At dahil nilibre niya ko kanina, siya naman ililibre ko ng icecream. Hinatak ko siya papunta dun, 20php per scoop. Ayos!

"Libre kita! Anong flavor gusto mo?" tanong ko.

"Yun na lang." turo niya sa cookies n cream. Wow! Favorite ko yun pero dahil nasa Baguio kami I'll choose strawberry.

"Ilang scoop?" tanong ko ulit.

"Bahala ka na."

"umm.. Ate 2 scoops po ng cookies n cream at 2 scoops din ng strawberry."

Pagkabigay samin ng icecream ay umakyat kami sa pinakataas ng SM, maganda kasi yung view doon.

Masarap naman yung strawberry flavored icecream ko pero napatingin ako sa icecream ni Yexel, favorite ko talaga yun! Dapat pala yun na lang sakin.

"Gusto mo?" I nodded. Inabot naman niya sakin, nahihiya nga ako pero tinikman ko na din. Hindi naman ako maselan.

"Oh." binalik ko din agad sa kanya at yung akin na lang ang kinain. Nakatingin lang si Yex sakin. Baka gusto din niya?

"Gusto mo?" tanong ko. He nodded. Aabot ko na sana yung icecream kaya lang naglean siya bigla at kiniss yung gilid ng labi ko. What the hell?

"What the hell?!" I yelled at him.

"Tinikman ko lang yung icecream mo." he licked his lip. "Sarap! Patikim pa nga." Napaatras na lang ako dahil baka makaisa na naman siya.

"Gag*! Hindi icecream ang labi ko!"

"May icecream ka kaya sa gilid ng labi mo kanina, sayang naman kaya tinikman ko." He smiled at me. An evil smile.

"Tse!" tinalikuran ko na lang siya. Taragis naman oh!!!!

Undisclosed FeelingsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon