Naglakad lakad kami sa campus na tila celebrity ang mga dating.
Pano ba naman, itong mga lalaking kasama ko kung titigan ng mga kababaihan at kabaklaan parang matutunaw na. Ngiting ngiti tuloy ang limang kolokoy. Taas na naman ng ego ng mga yan, panigurado.
Si Eric nga, may pakindat kindat pang nalalaman. Si Lenard naman pakaway kaway pa. Oh please! Bat ako nagkaron ng mga kaibigang malandi? Just kidding.
Nauunang maglakad si bestfriend, pinandigan niya ang pagiging tour guide ngayong araw. Grabe sa energy, walang tatalo.
Kasunuran niya yung apat na lalaki, ako at si Warren naman ang nasa likuran. Hindi na ko nakakapit sa braso niya, baka isipin pa nito nanananching ako.
"Huy! Bi, tara dito!" sigaw ni Andy, nakita niya kasi si Matt. Ang corny ng tawagan nila, bi daw, short for baby.
Kumaway naman at lumapit samin si Matt kasama si Rick. Nagwave lang ako sa kanila, nginitian naman nila ako.
Pinakilala ni Andy sila Warren sa dalawa, mukha namang magkakasundo sila.
Uwian na nila kaya sumama na lang sila samin para mag-ikot ikot.
"Kanina ka pa tinitignan nung Rick. Nanliligaw ba yun sayo?" bulong sakin ni Warren. Natawa ko sa sinabi niya.
"Ano ka ba. Di kami talo." bulong ko din sa kanya.
"Ehem!" nag fake cough si Franz. Papansin din to e.
"Sorry mga pards! Nagkwekwentuhan lang kami ni Denise dito." sabi ni Warren at inakbayan pa ko.
"What was that for?" bulong ko ulit sa kanya.
"May dalawang nagseselos eh." tumawa pa siya pagkasabi niya nun.
Sino naman kaya yun? Imposibleng si Franz yun. Eh? Bat siya agad inisip ko? Di naman ako umaasang magseselos siya. Hello? Move on na ko. Weh? Di nga?
Nagvibrate naman bigla yung phone ko, pagtingin ko ay si Yexel na naman. Nag excuse ako sandali kay Warren para sagutin yung tawag.
"Bakit na naman?"
"Sino kasama mo?" his voice is full of coldness. Problema nito?
"Friends ko."
"Friends? Ha? Baka more than friends."
"What?!" asar na ko ah! More than friends? San nanggaling yun?
"Alam mo bang kanina pa kita inaantay, tapos makikita ko na lang na may nakaakbay na sayong lalaki. Sino ba yan ha?"
"Alam mo.. walang sense yang pinagsasasabi mo. Humanap ka ng kausap mo." inend ko agad yung call pagkatapos kong sabihin yun pero wala pang isang minuto ay tumatawag ulit siya. I just ignored it.
"Sino ba yan?" tanong ni Warren sabay silip sa phone ko. Umakbay na naman ang gago.
"Wala. Stalker lang."
"Yexel nakalagay eh. suitor mo yun diba?"
"What? That weirdo? Na-ah!" umiling iling pa ko. "Malakas lang saltik nun. Walang magawa sa buhay." Panay pa din vibrate ng phone ko. Ayaw talaga ko tigilan ng gago.
"Sagutin mo na kaya." sabi ni Warren.
"Ayoko nga. Kung anu-ano pinaparatang niyang lalaking yan sakin eh."
"Ano ba sabi? Tara! Resbakan ko."
"Tinanong kung sino kasama ko, so I said friends ko.. sabi ba naman baka daw more than friends. Ha? Adik ba siya?" tumawa ng malakas si Warren, napatingin tuloy sila samin.
"Sorry! Nakakatawa lang talaga! Denise is really hilarious." tawa siya ng tawa, sinuntok ko nga sa tiyan. Pero siyempre mahina lang. Inalis ko na din yung pagkaka akbay niya sakin, nakakangalay po kaya.
"HON NAMAN! BAT MO KO SINUNTOK?" gagong to, may pa hon hon pang nalalaman.. pinagsigawan pa talaga.
"Gago!" binatukan ko nga. Ang lakas ng topak sa ulo eh. Nagpout ba naman. Parang tanga lang.
"PASALAMAT KA HON.. ANG GANDA MO, DI AKO GAGANTI SAYO!"
"Ang ingay mo! At san nanggaling yang endearment mo sakin? Eww lang ha!" sinamaan ko siya ng tingin pero di pa din natinag, tumawa lang siya ng tumawa tsaka ako inakbayan. "Pasalamat ka Warren namiss ko yang kagaguhan mo." bulong ko sa kanya.
"AKO DIN NAMAN NAMISS DIN KITA!" ngumiti siya at niyakap ako saglit, tinulak ko nga.
"Chansing na yan oy." di na siya sumagot pero ginulo naman niya yung buhok ko, sinuntok ko na lang sya sa braso. Alam ko namang namiss lang ako nitong mokong na to.
WARREN'S POV
Nakakatawa talaga tong dalawang to. May pa ehem ehem pang nalalaman si Franz, yung Rick naman ang sama makatingin. Selos na selos ang mga tukmol.
Napatingin ako kay Denise, may kausap sya sa phone, mukhang asar na asar siya, nakakunot na kasi yung noo niya.
Nung napatingin ako sa likod niya, may lalaking nakatingin sa side namin, may kausap sa phone. I guess, siya yung kausap ni Denise.
Tumingin siya sakin, nanlilisik yung mata niya. Ha! Isa pa to! Selos nga naman.
"Sino ba yan?" tanong ko sabay silip sa phone niya, umakbay pa ako. Pang asar lang!
"Wala. Stalker lang." sagot nya. Stalker daw? Eh Yexel nakalagay. Yun din yung tumawag sa kanya kanina.
"Yexel nakalagay eh. suitor mo yun diba?"
"What? That weirdo? Na-ah!" umiling iling pa siya. "Malakas lang saltik nun. Walang magawa sa buhay."
"Sagutin mo na kaya." sabi ko.
"Ayoko nga. Kung anu-ano pinaparatang niyang lalaking yan sakin eh."
"Ano ba sabi? Tara! Resbakan ko."
"Tinanong kung sino kasama ko, so I said friends ko.. sabi ba naman baka daw more than friends. Ha? Adik ba siya?" natawa ko ng malakas dun! More than friends pala? Haha!
"Sorry! Nakakatawa lang talaga! Denise is really hilarious." sinuntok ba naman ako sa tiyan.
"HON NAMAN! BAT MO KO SINUNTOK?" sigaw ko para marinig nung tatlo. Haha! Tangina ang mukha ng mga to, kala mo papatay eh. Haha!
"Gago!" minura na ko, binatukan pa ko. Amasona talaga tong babaeng to! Nagpout pa ko kunwari. Parang tanga lang.
"PASALAMAT KA HON.. ANG GANDA MO, DI AKO GAGANTI SAYO!" sigaw ko ulit. haha!
"Ang ingay mo! At san nanggaling yang endearment mo sakin? Eww lang ha!" sinamaan niya ko ng tingin pero di ko pinansin. Tumawa lang ako ng tumawa tsaka ko siya inakbayan. "Pasalamat ka Warren namiss ko yang kagaguhan mo." bulong niya.
Yun naman! Ang sweet ni Denise. Haha!
"AKO DIN NAMAN NAMISS DIN KITA!" ngumiti ako at niyakap ko siya saglit. Aba! Namiss ko din naman to. Kaya lang tinulak ba naman ako.
"Chansing na yan oy." di na ko sumagot, ginulo ko na lang yung buhok niya, sinuntok naman niya ko sa braso.
Ganun din biruan namin dati. Kamiss din to eh. Tagal ko din kasi siyang di nakita.
After they broke up, wala na kong naging balita sa kanya. I tried to contact her pero nagpalit pala siya ng number. Inintindi ko na lang, masyado kasi siyang nasaktan.

BINABASA MO ANG
Undisclosed Feelings
TeenfikceSapphire is on her senior year in college. She had this gut feel about something, but didn't recognize what it is. Does it include Yexel, her new found friend? Or was it Franz, her ex-boyfriend who dump her four years ago?