"Sh*t Ands! Ang dami ko namang ieencode!" Kaharap ko ngayon ang laptop ko, at sandamakmak na papel, kausap ang bestfriend ko sa cellphone.
"Wag ka na magreklamo. Kailangan na yan by next week."
"E yung tatlo nating kagroup anong itutulong nun? Di ko to matatapos ng ako lang! Tayo na nga lang dalawa nag survey, tayo pa mageencode. Ang swerte naman ata nila."
"Tinext ko na sila, bukas pupunta tayo sa school para bigyan sila ng gagawin nila."
"Good. Ayoko namang matapos ang thesis natin ng tayong dalawa lang ang gumagawa."
"I know right! Di naman makatarungan yun."
"O sige sige. Tatapusin ko lang to, anong oras bukas?"
"9am sharp. Bawal late. Ge, magtatype pa din ako. Bye!"
"Bye!" then she ended the call.
Ibinalik ko yung mata ko sa laptop at nagsimulang magtype. Madami dami pa talaga kong itatype. Geez! Ang sakit na ng daliri ko! Ang hirap talaga pag yung mga kagrupo mo ay hindi nakikisama. Kung di dahil sa grade, hindi ako magtyatyagang gawin to mag-isa.
After 3 hours of typing, naisipan kong magfacebook muna. Bumungad ang isang post sa home page ko na kinainit ng ulo ko.
Catherine Medina: Movie marathon mag-isa.
May panuod nuod pa ng movie to. Samantalang kami ni Andy magpupuyat para makatapos ng tig-isang chapter. Sa inis ko nagpost ako sa fb.
Sapphire Denise Tolentino: Thesis in the making... Three straight hours of typing. My hands are trembling. -______-
Warren Salazar commented on your post.
Warren Salazar: Wow! Sipag ah.
Sapphire Denise Tolentino: IKR. haha! JK.
Warren Salazar: haha. need help?
Sapphire Denise Tolentino: yes. I really need a helping hand. :(
Warren Salazar: Haha. punta ko dyan?
Sapphire Denise Tolentino: lol.
Warren Salazar: seryoso nga. dali.
Sapphire Denise Tolentino: no need. 1am na. Adik ka ba?
Warren Salazar: haha. seryoso ko. ayaw mo naman.
Sapphire Denise Tolentino: baliw. matulog ka na nga.
Andrea Corrine Jimenez: hoy best! tapos ka na ba? fb ka ng fb.
Sapphire Denuse Tolentino: konti na lang best. Sumakit lang kamay ko. tutuloy ko din to mamaya. ikaw ba?
Warren Salazar: ayoko pang matulog e. chat muna tayo. haha.
Sapphire Denise Tolentino: wag ka nga! Istorbo ka e.
Andrea Corrine Jimenez: konti na lang din. inaantok na nga ako e.
Andrea Corrine Jimenez: hoy warren! pinopormahan mo ata bestfriend ko e.
Warren Salazar: haha! minsan lang naman mag-istorbo ah. haha!
Warren Salazar: hoy ka din Andy! wag ka magulo. baka maniwala yang bestfriend mo, lumaki pa ulo nyan. haha
Sapphire Denise Tolentino: shut up both of you! I'm off to work na. Dami pa ko itatype. haha. bye.
Bago maglog-out ay inantay ko muna yung comment nung dalawa.
Andrea Corrine Jimenez: yan best, magtrabaho ka na lang! :P at ikaw Warren, wag masyado pahalata. hahaha. bye. out na din ako. XD
Warren Salazar: ewan ko sayo Andy. haha. Denise, text mo na lang ako. hahaha. ;)
Ang gulo talaga nung dalawa. Kahit papano nawala pagkabadtrip ko. Inumpisahan ko ulit yung pagtatype pagkalog-out ko. Nagtimpla na din ako ng kape para mabawasan ang antok ko.
Nakakaisang sentence pa lang ako ng tumunog ang phone ko. Sino naman ang tatawag ng ganitong oras? Tinignan ko kung sino ang caller ID, pero number lang.
"Hello?" nagintay ako ng sagot pero wala namang nagsasalita sa kabilang linya.
"Hello? Sino ba to?" tanong ko ulit. Tinignan ko pa yung screen ng phone ko, naka on call pa naman siya.
"Hello? Kung di ka sasagot, ibababa ko na to." bago ko pa maibaba ay nagsalita na siya.
"It's me." that voice. Kilalang kilala ko yun.

BINABASA MO ANG
Undisclosed Feelings
Teen FictionSapphire is on her senior year in college. She had this gut feel about something, but didn't recognize what it is. Does it include Yexel, her new found friend? Or was it Franz, her ex-boyfriend who dump her four years ago?