Chapter 13

79 4 0
                                    

"Its me." sabi niya ulit. Hindi ako nakasagot dahil parang nawalan ako ng dila.

"Denise, it's me.. Franz." sabi niya ulit ng di ako nakasagot. Huminga muna ako ng malalim bago sumagot.

"Oh. hello."

"Umm. busy ka ba?" tanong niya.

"Oo eh. Thesis work. Bakit?" sagot ko. Totoo namang busy ako at isa pa, hindi talaga ko mapakali. Ayokong makipag-usap sa kanya, kung pwede lang babaan ko na lang siya kaso ang rude naman.

"Gusto sana kitang makausap. Siguro, bukas na lang." Bukas? Anong bukas? Hindi pwede!

"Hindi ako pwede bukas. Gagawa kami ng thesis. Next time na lang." Next time? There will be no next time. Ay kinanta daw ba? Nababaliw na ata ako dito. Binabara ko na yung sarili ko.

"Hmmm.. Sige, next time. Promise yan ah?"

"Yeah. Promise." Well, promises are meant to be broken. Wag kang umasang kakausapin kita.  Ang bad ko ba?

"Okay. Thanks. Goodnight."

"K. bye." Goodnight your face! Umaga na kaya!

Binalik ko na lang yung atensyon ko sa pagtatype.

Mga alas tres na nung natapos ako. Mukha na naman akong zombie nito bukas. Humiga na ko at ipinikit ang mata pero walastik! Di ako makatulog. Epekto ba to ng kape? Nakatatlong tasa din kasi ako kanina.

Dahil hindi na talaga ako makatulog, nagopen na lang ako ng blog sa cellphone ko. Ilalabas ko na lang lahat ng sama ng loob ko dito.

Time check, it's 3:30 in the morning and I can't sleep. I drunk three cups of coffee earlier and I guess that's the reason why I'm fully awake by this time.

The silence is deafening. All I can hear is voices in my head. How can I voice out my thoughts? When there's no one listening.

But every time someone tries to reach out, I keep on pushing them away. Maybe, just maybe, all I wanted is someone who'll not give up on trying.

- SD

Nagstay lang ako sa blog ko, naghihintay ng comment ni themastermind. Ewan ko ba. Sa lahat kasi ng nagcocomment sa blog ko, malaman yung mga pinopost niya. Yun bang masasabi mong 'uy sapul ako dun ah! tamang tama!'.

After 30 minutes ng paghihintay ay wala naman akong napala. Baka hindi siya online or baka tulog siya. I wonder kung pinoy din ba siya. Hindi kasi ako nagpopost ng tagalog sa blog ko kaya puro english din magcomment yung mga nakakabasa sa blog ko.

Sa awa ng Diyos ay nakatulog naman ako kahit dalawang oras at mahigit lang. Kailangan ko pa kasing gumising ng maaga dahil may meeting kami ng groupmates ko sa thesis.

Nagshades ako ngayon, dahil sa naghuhumiyaw kong eyebags. Nakakahiya naman kasi, mukha akong walking dead. Nagjeans lang ako, converse shoes at checkered na red polo na may white sando sa loob with matching super red lipstick. Haha! Trip ko magred lips ngayon eh.

Dumating naman ako on time pero ang mga magagaling kong groupmates wala pa! Akala ko ba 9am sharp? Ako nga itong wala halos tulog..dumating ng 9, silang walang ginagawa.. late pa. Asar ha.

Pangalawang dumating ay si Andy. Alas tres na daw siya nakatulog kaya late siya, sabi ko naman..ako nga alas singko nakatulog pero 9 dumating na ko. Unfair naman! May pa sharp sharp pa siyang nalalaman e late naman pala siya.

Asar na asar ako dahil sa wala na nga akong tulog ang tatlong magagaling naming kagroup ay alas diyes ng nagdatingan. Ha! Filipino time!

"Nasan si Saph?" tanong ni Kiel. Napakunot ang noo ko. Ako pa hinahanap? Ako kaya una dito!

"Hoy kanina pa ko ditong 9 para sabihin ko sayo!" tinarayan ko na siya dahil di na talaga ko makapagpigil.

"Saph?!" sigaw ni Kiel at Cath na mukhang shock na shock, si Yexel naman napanganga pero agad din siyang nakabawi.

"Oh bakit? Problema niyo?" Asar ha! talagang iniinis ako ng mga to.

"You look...different." sagot ni Kiel.

"No! You look great!"  sagot naman ni Cath. Napataas na lang ang kilay ko dahil di ko sila magets.

"Best.. ang ganda mo kasi! May pa shades shades ka pa kasing nalalaman, laglag tuloy mga panga nila. Haha!"

"Eto ba? Laki kasi ng eyebags ko kaya nagsuot na lang ako ng shades. Dalawang oras lang tulog ko." Yan! Dapat makonsensya kayo at pinag antay niyo ko dito!

"Ahh.." sabi ni Cath. Tengene! Yun lang ang masasabi niya? Grabe lang sa kapal ng face!

"Sorry at pinaghintay ka pa namin, wala ka pa palang tulog. Hayaan mo, ako na gagawa sa isang chapter." sabi ni Yexel.

"Uh. Thanks." Napakagat na lang ako ng labi dahil hindi ko na alam ang sasabihin. Tumayo siya at umupo sa tabi ko sabay bumulong sa tenga ko.

"By the way, you look very beautiful today. And don't bite your lip, natetempt akong halikan ka eh."

Literal na nanlaki ang mata ko, buti na lang naka shades ako. Feeling ko, nagblush pa ko. Ano ba naman to!

Undisclosed FeelingsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon