A/N: Goodmorning! Hahaha. Kamusta kayo guys? Here's a very short update muna.
Maine's POV
Shit! Dalawang beses na niya ninanakaw ang first kiss ko! But here I am. Responding on his kisses. Alam ko na dapat na akong lumayo pero hindi ko magawa!
Siya ang kusang bumitaw at bumulong sa akin. "See you tomorrow." And then he just left me hanging.
Hinawakan ko ang labi ko. Bakit ganito yung nararamdaman ko? Diba dapat akong magalit sa kanya? Pero hindi ko magawa.
Pumasok ako sa loob ng bahay. Nasa business trip ang parents ko kaya mga kasambahay lang ang kasama ko. Hindi na ako kumain. Hindi ako makaramdam ng gutom dahil para pa din akong nakalutang sa cloud 9.
Pag akyat ko sa kwarto, naligo agad ako at pumwesto na sa kama ko. Alam ko naman na hindi na naman ako makakatulog kaya naman nag internet muna ako.
Tumunog bigla ang cellphone ko. Unregistered number. Sino kaya to?
Sinagot ko pero hindi muna ako nagsalita. Baka kasi prank callers lang. Papakinggan ko muna kung sino ang tumawag.
"Hi wifey, miss me?"
Nabitawan ko ang phone ko sa sobrang gulat ko. Paano nakuha ng bwiset na hudas ba to ang number ko e hindi ko naman natatandaan na binigay ko sa kanya yun.
"Paano mo nalaman number ko ha? Stalker ka!" Sigaw ko sa kanya.
"Ouch! Ang sakit na naman sa tenga e! Lagi ka na lang nakasigaw! At tsaka sa mukhang ito? Stalker ba tingin mo sa akin? Hindi ba pwedeng admirer? Hahaha!" Pang aasar na naman nito.
BINABASA MO ANG
Two Worlds Collide (MaiDen) COMPLETED
FanfictionThey were bound by a fixed marriage... Mag bestfriend ang mga magulang nila.... But what will happen if they will be forced to get married and live under the same roof? Wala silang nagawa. Lagi silang nag aasaran.... Nagkukulitan, pero hi...