Maine's POV
Isang buwan na din si Abbey sa bahay. At habang tumatagal ay mas lalo siyang nagiging kamukha ng daddy niya. Si Alden nga halos hindi na pumapasok dahil aliw na aliw sa anak niya. Sa totoo lang hinihintay siya ni Abbey bago ito makatulog. Palibhasa kasi siya ang unang kumarga kaya ang amoy niya ang kilala.
Minsan nga na-late si Alden ng uwi, hirap na hirap ako kasi hindi ko siya mapatulog ng maayos. Every 10 minutes ay nagigising siya. Pag sa gabi kasi hinahanap hanap niya ang hele ng tatay niya.
"Nako naman ang apo mo! Hindi ko kamukha. Kamukha ng ama." masayang sabi ni Daddy. Lagi din kasi silang nandito sa bahay dahil gustong makita ang apo nila. Kay mommy din ako nagtatanong kung paano mag alaga ng baby. Tinuturuan naman niya ako.
"Pare, wala e. Malakas ang dugo ng anak ko. Tignan mo naman ang prinsesa ko. Kamukhang kamukha ng Lolo." Sabi ni Papa habang nilalaro si Abbey.
"Kayong dalawa tumahimik na kayo. Kinuha naman ng apo ko ang kutis ng Lola niya." Mayabang na sabi ni mommy at kinuha kay Daddy si Abbey.
Natatawa kaming pinagmamasdan sila. Aliw na aliw kasi sila sa apo nila. Hindi pa nga nagsasalita e. "Excuse me po. Baka naman po malamog ang anak namin sa inyo." Sita ni Alden sa kanila.
"Aba sa amin na si Abbey pag nakakalakad na. Kayong dalawa bahala na kayo sa buhay niyo." Nagkunwaring tinataboy pa kami ni Daddy.
"Edi maganda yung dad. Makakagawa na ulit kami ng isa pa." Nagbibirong sabi ni Alden at siniko ko naman siya. Nakakahiya naman kasi kailangan pa bang sabihin yun sa harap ng magulang namin diba?
"Aba bilisan niyo na at siguraduhin mo na lalake na yan Alden. Kailangan din syempre namin ng prinsipe dahil may prinsesa na kami." Nakatawang sabi ni Papa. Halos maubos na si Abbey kakahalik nila pero hindi sa mukha. Ayaw kasi ni Alden. Sa kamay at paa lang daw pwede.
BINABASA MO ANG
Two Worlds Collide (MaiDen) COMPLETED
FanfictionThey were bound by a fixed marriage... Mag bestfriend ang mga magulang nila.... But what will happen if they will be forced to get married and live under the same roof? Wala silang nagawa. Lagi silang nag aasaran.... Nagkukulitan, pero hi...