Epilogue

7.1K 213 11
                                    

Alden's POV





5 YEARS LATER




"Come on, Abbey! Give Daddy a hug!" Masayang bungad ko sa anak ko. Isang linggo kasi ako sa New York. Inayos ko ang isang negosyo na binuo namin ni Maine. Well, she loves cooking. Nung una dito muna sa Pilipinas hanggang sa madaming turista ang pumasok sa restaurant na si puro recipe mismo ni Maine ang hinahanda.




Hands on pa din naman siya sa business namin sa Brokerage at Logistics firm pero sa akin na din niya pinagbibilin ang lahat dahil mas nag eenjoy siya sa pagluluto. She just graduated again with a degree of Culinary Arts. Kahit na may anak na kami ay nakuha pa din niyang mag aral ng hindi pinapabayaan duties niya bilang ina at sa akin bilang asawa. See? She's a classic example of a real life wonder woman.






At kung gaano ako katagal sa New York, ganun din katagal nagmumukmok ang anak ko. Hindi daw mapatahimik ng mommy niya. Kaya kulang na lang hilahin ko na ang araw para bumilis ang araw at makauwi na ako.





"Daddy! Daddy ko!" Nagmamadali siyang tumakbo papunta sa akin. Kinarga ko siya, Ang bigat! Hahaha! 





"Abbey Dawn! How many times do I have to tell you that you should fix your things first!" Naririnig ko ang boses ni Maine. Pinapagalitan na naman niya ang anak namin. May pagka istrikta kasi siya pagdating sa anak niya. Ayaw niya ng nagkakalat ito.






"Alden!" Nawala ang galit niya ng makita niya ako nagmamadaling niyakap ako.




"Wifey ko!" Niyakap ko din siya at kiniss syempre. Hahaha!





"You're kissing in front of me? You know that's not very nice, Mommy and Daddy." Natawa kami sa sinabi ni Abbey. She's 5 years old now. 






"Then close your eyes my princess." Biro ko sa kanya. Niyakap ako ulit ni Abbey.



Two Worlds Collide (MaiDen) COMPLETEDTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon