Maine's POV
"So ano na nga?" Excited na tanong ko kay Nadz. Para kaming mga bata na kilig na kilig dahil sa kwento niyang naging tagpo nila ni James kagabi.
"E ayun na. Niyakap ko siya ano ba kayo!" Nakairap pero halata naman kinikilig din siya.
"Waaaahhhhhhhhh!" Tili kami ng tiling tatlo. Si Nadine ay naiinis na hinahampas kami pero mahina lang. Nasa bahay kasi sila. Sunday routine nila ang pumunta sa bahay tapos magkakasama kami magsisimba.
Para tuloy may reunion samen pag Sunday e. Nasa labas sila Alden, Daniel at Diego. Nag iihaw. Mga boys ang bahala sa chores ngayon. Hahaha!
"Huy! Wag naman kayo masyado magtititili baka naman mabingi ang anak ko." Sita ni Alden sa kanila.
"Hoy Alden. Yang asawa mo ang malakas tumili dyan hindi kami." Sabi ni Julia. Natawa naman si Alden at lumabas na lang.
Sige pa rin kami sa kwentuhan habang ang mga lalake ay busy sa labas. Nagpicture din kami. That's what girls do when they are bored. Hahaha! Gutom na kasi kami e.
"Hi girls. Hi Nadz."
Gusto na naman namin magtilian ng makita namin si James na bagong dating. Si Nadz naman ay di malaman kung yuyuko o ano.
"Saan sila?" Nakangiting tanong niya. Siniko naman ni Kath si Nadine. Yung itsura namin ngayon. Para kaming mga fans na nakakita ng idol namin na matinee idol at actress. Kasi lahat kami nakatingin sa reaction ng mukha nilang dalawa.
BINABASA MO ANG
Two Worlds Collide (MaiDen) COMPLETED
FanfictionThey were bound by a fixed marriage... Mag bestfriend ang mga magulang nila.... But what will happen if they will be forced to get married and live under the same roof? Wala silang nagawa. Lagi silang nag aasaran.... Nagkukulitan, pero hi...