Thirty Seven: (Pregnant?)

5.8K 201 9
                                    

A/N: @AletaLabadan thank you sa pag vote :)





Maine's POV




Ilang linggo na din kaming nakakalabas ng ospital. At syempre balik na sa normal na buhay. Nabalitaan ko din na ipinagpatuloy na ni Ian ang pag aaral niya sa states. Masaya naman akong malaman yun.




Nasa kusina ako ngayon at hinahanda ang pagkain namin ni Alden. Nasa taas pa kasi ang mokong at naliligo. Puyat daw siya kagabi ewan ko kung saan. Hahaha! Alam niyo na yun.




Pero habang naghahain ako aya nakaramdam ako ng pagkahilo. Napapansin ko na lagi na akong nahihilo ngayon. Lalo na sa umaga. Tapos parang may kung ano sa sikmura ko. Na nakakaduwal. Ah ewan.




Naalala ko kagabi pala kumain ako ng ice cream. 2am na din yun. Naglalaway kasi ako e. Hindi ko na lang din ginising pa si Alden kasi kaya ko naman. Kawawa naman yun pag ginising ko pa. Maya maya ay nawala din naman ang pagkahilo ko. 




"Aldeeennnnnn!" Sigaw ko sa kanya. Kanina pa kasi nasa taas. Baka nalunod na yun sa bath tub e. Hahaha!




"Eto na nga po oh. Galit ka na naman e." Hinalikan niya muna ang ulo ko bago umupo. Nag pray na kami at kumain na.




"Wifey, baka mamaya medyo ma-late ako ng uwi ah? Kasi sila Daniel e. Alam mo naman lagi ko na lang sila tinatanggihan. Malaki na din ang utang ko sa kanila." 




Naalala ko na naman yung itsura nung mga lalakeng bumugbog kay Alden. Natatawa ako dahil pinicturan pa nga nila tapos may make up pa. Gusto ko maawa na natatawa ako e. Imbes na saktan nila ay pinaglaruan na lang nila. Mga sadista.




"Oo naman. Okay lang." Nakangiting sabi ko. 




"Pasamahin ko na lang ba si Mang Jimmy?" Tanong niya sa akin. Umiling naman ako.




"No need hubby. Boys night out yun ano ka ba. Maiinip lang si Mang Jimmy dun e." Hindi naman ako ganun ka possessive na asawa. Tsaka may tiwala naman ako sa mga kasama niya.

Two Worlds Collide (MaiDen) COMPLETEDTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon