A/N: Hi. Sorry na guys! Hehehe. Sabi ko naman sa inyo medyo fast forward na tayo. Hehehe! Salamat. Nag iisip pa din kasi ng pwede kong maging twist sa story e. Enjoy reading!
Alden's POV
Nag aayos na ako. Ilang oras mula ngayon, ikakasal na kami ni Maine. Magiging mag asawa na kami. Halo halo ang nararamdaman ko. Hindi ko alam kung tama ba tong kasal na to o hindi. Pero wala na. Nandito na. In some point, masaya ako. Aaminin ko naman sa inyo yun.
Umakyat si Papa. "Ang gwapo naman ng anak ko."
Ngumiti naman ako sa kanya. "Mana sayo Dad e."
"Sana alagaan mo si Maine. Hayaan mo, maiintindihan mo din kung bakit namin ito ginawa. Pero sa ngayon, sana maging mabuting padre de pamilya ka. Sa magiging pamilya mo." Makahulugang sabi ni Papa.
Tumango naman ako. Nagulat ako ng bigla niya akong yakapin. Niyakap ko din naman siya. "Sorry anak. Hindi kumpleto ang kasal mo. Alam ko, kahit hindi mo sabihin sa akin, hinahanap mo ang Mama mo. Pasensya ka na."
Sa sinabing yun ni Papa, nag unahang tumulo ang luha ko sa mata. Namimiss ko si Mama. Sabi pa naman niya dati, pag ikinasal ako ay nasa bahay pa lang daw kami iiyak na siya.
Sabi pa niya na ituturing niya na anak na babae ang magiging asawa ko.
Mama? Siguro mas lubos ang kasiyahan ko kung nandito ka kasama ko. Magugustuhan mo si Maine, sigurado ako.
Sayang Ma, hindi mo naabutan.
Hinayaan ako ni Papa na umiyak ng umiyak hanggang sa maubos na ang luha ko. Tinapik niya akong muli sa likod.
"Tara na."
Bumaba na kami at umalis papuntang simbahan. Kung saan ko hihintayin si Maine.
Maine's POV
Thinking it over and over again. This is it. Eto na talaga. Ikakasal na ako kay Alden. There's no turning back now.
Inaayusan na ako ng make up artist ko ng pumasok si Mommy. "Ang ganda mo anak. Manang mana ka sa akin." Nakangiting sabi niya.
Ngumiti din naman ako. "Tandaan mo, ang pag aasawa. Hindi yan biro. Pero bilang ikaw ang babae, pagsilbihan mo ang asawa mo. Intindihin mo siya at maging maalaga ka."
"Ma, as if naman kaya kong gawin yan."
"Kaya nga dapat ka matuto na anak." Tumango na lang ako.
Seeing my reflection today, parang hindi ako. Parang kailan lang daming pang debut ang suot ko. Tapos with just a span of 2 years, here I am. Wearing this wedding dress.
Parang napakabilis ng pangyayari. Parang ang buhay ko ay punong puno ng suprises. Pero siguro nga, may plano ang diyos kaya niya ako nilagay sa ganitong sitwasyon.
I can't blame my parents. Sabi nga nila, parents knows whats best for their children. Baka nga eto yung tingin nila na makakabuti sa akin, sa amin ni Alden.
Nagpatuloy sa pag aayos sa akin ang make up artist. Syempre pati picture taking kasama na din dun. Umakyat si Daddy at tinawag na kami.
"Its time to go now, my princess."
Tumango lang ako at bumaba na para sumakay sa sasakyan na magdadala sa akin sa simbahan kung saan ako hinihintay ni Alden.
BINABASA MO ANG
Two Worlds Collide (MaiDen) COMPLETED
FanfictionThey were bound by a fixed marriage... Mag bestfriend ang mga magulang nila.... But what will happen if they will be forced to get married and live under the same roof? Wala silang nagawa. Lagi silang nag aasaran.... Nagkukulitan, pero hi...