James's POV
Asar na asar pa din ako sa babaeng yun! Nakakainis kung makapagsalita akala mo naman kilala niya na ako. Nobody knows me except me. Ako lang ang nakakakilala sa sarili ko. Tapos kung makapagsalita siya akala mo naman kilalang kilala niya na ako.
Oo, mapaglaro ako sa mga babae. Pero lahat ng bagay may dahilan. At sa totoo lang, alam ko naman na iba siya sa mga babaeng nakilala ko o nakakasama ko for one night. Disenteng babae siya pero judgemental naman.
Nakakailang tawag na sila Alden pero hindi ako nasagot. Tsaka na ako sasama sa kanila. Mag iisip na muna ako.
Alden's POV
"Hindi naman nasagot si James e. Hayaan na muna natin siya wifey." Gabi na ng mag alisan sila Nadz. Kaya nakaupo muna kami ni Maine.
Ako lang pala nakaupo. Nasa kandungan ko pala siya. Haha!
"Kasi naman sumobra na din si Nadz kanina. Hindi ko din naman masisisi si James kung bakit nagtampo yun." Nilalaro niya ang buhok ko habang sinasabi yun.
"Hayaan na natin sila at matatanda na yung mga yun." Tinitigan ko si Maine. Yung nataas pa yung kilay ko tapos nakangiti ng pilyo.
Hinampas niya naman ako at tumawa. "Hoy! Alam ko na yang mga ngiti mo na ganyan Alden ha!"
"Tara na. Pwede pa naman e." Inamoy amoy ko yung leeg niya pero nilalayo naman niya. Pabebe din tong asawa ko e.
"Aba at saan mo naman nalaman yan?"
"Nabasa ko lang." Nakangising sabi ko.
"Nabasa o binasa?" Siya naman ang nakataas ang kilay.
BINABASA MO ANG
Two Worlds Collide (MaiDen) COMPLETED
FanfictionThey were bound by a fixed marriage... Mag bestfriend ang mga magulang nila.... But what will happen if they will be forced to get married and live under the same roof? Wala silang nagawa. Lagi silang nag aasaran.... Nagkukulitan, pero hi...