Maine's POV
Nakauwi na kami from Paris. Ang bilis lang lumipas ng isang linggo. At eto bukas may pasok na kami sa review center.
Parang hindi pa din ako makapaniwala na nakatira na kami ni Alden sa iisang bubong. Yes. Magkasama na kami. Eto ang bahay na regalo ng mga magulang namin sa amin. Fully furnished ang bahay at puro mamahalin ang mga gamit.
Pinaghandaan talaga nila. Wala kasi si Alden ngayon. Pumasok sa office dahil start na din niya magtrabaho. Wala naman akong magawa sa bahay. Sawa na ako manood ng TV, internet at kung ano-ano pa.
Naisip ko bigla na magluto na lang. Wala kasi akong magawa e. Baka sakaling hindi ko pa nakakalimutan ang cooking at baking skills ko. Naging busy kasi ako sa school last semester dahil pa graduate na kami kaya nawala na sa isip ko ang magluto.
Hindi ko pa nga pala naipagluluto si Alden kahit na isang beses simula nung kinasal kami. Kaya ayun. Nandito ako ngayon sa kusina.
Busy ako sa pagluluto ng biglang nag ring ang phone ko. Unknown number? Sino na naman to? Sinagot ko ito pero papakinggan ko muna yung boses.
Hindi naman nagsasalita. Binaba ko na lang. Prank caller na naman siguro. Pinag patuloy ko na lang ang pagluluto. Caldereta na lang. Hindi kasi available ang ibang ingredients para sa gusto kong lutuin. Pag nag grocery na lang siguro ako tsaka na ako bibili.
Tapos nag bake na lang ako ng muffins para sa dessert. Patapos na ako sa ginagawa ko ng bigla na naman mag ring ang phone ko. Kainis. Yung caller na naman kanina na hindi nagsasalita.
"Hello? Kung sino ka man---"
"Hi Maine. Kamusta na?" Parang huminto ang mundo ko. Hindi ako pwedeng magkamali kung sino yun. Agad ko itong binaba.
Hindi pwede. Paano niya nalaman yung number ko? Ano na naman kailangan niya sa akin?
BINABASA MO ANG
Two Worlds Collide (MaiDen) COMPLETED
FanfictionThey were bound by a fixed marriage... Mag bestfriend ang mga magulang nila.... But what will happen if they will be forced to get married and live under the same roof? Wala silang nagawa. Lagi silang nag aasaran.... Nagkukulitan, pero hi...