Maine's POV
Papasok na ulit kami ng review center. Hindi ko alam kung paano na naman pag nagkita kami ulit ni Ian. Bakit kasi bumalik pa siya? Pwede naman hindi na e.
Nagulo na naman ang tahimik kong buhay. Ginulo na naman niya. Umakyat na ako kasi nauna na yung tatlo dun. Hindi na din ako nagpahintay.
Customs Laws and Warehousing ang topic namin ngayon. Pero napansin ko na bago ang speaker namin ngayon. Matanda na din siya pero nasa mukha ang pagiging strikto.
"Good afternoon. I am Mr. Robert Domondon. I am your new speaker in Customs laws. So since its our first meeting, I want you to introduce yourself first."
"Eto na naman. Kainis. Parang first day of school." Natawa naman ako sa sinabing yun ni Kath. Isa isang nagpakilala ang mga classmate namin ng araw na yun. May iba kasi na isang subject lang ang inenroll kaya bago sila sa paningin namin.
Ako na pala ang magpapakilala. "Nicomaine Dei M. Faulkerson." Narinig ko ang bulungan ng mga classmate ko nung college na kasabay ko din sa tutorial class ngayon.
"God!"
"Kailan pa?"
Rinig na rinig ang mga boses na nagpapalitan ng tanong sa buong room. Hindi naman ako nagsasalita.
"What's with the commotion? May mali ba sa sinabi ni Ms. Faulkerson?" Takang tanong ni Sir. Ako na ang sumagot para sa kanila.
"Sir, I used to be called Ms. Nicomaine Dei Mendoza way back in college, but since I'm already MARRIED, you guys should call me Mrs. Nicomaine Dei Mendoza-Faulkerson." I said with pure conviction and pride. Itinaas ko pa ang wedding ring ko.
BINABASA MO ANG
Two Worlds Collide (MaiDen) COMPLETED
FanfictionThey were bound by a fixed marriage... Mag bestfriend ang mga magulang nila.... But what will happen if they will be forced to get married and live under the same roof? Wala silang nagawa. Lagi silang nag aasaran.... Nagkukulitan, pero hi...