Forty

4.9K 170 3
                                    

Maine's POV




Nakarating na ako sa bahay pero aligaga pa din ako. Hindi ko alam kung paano ko sasabihin kay Alden na may anak na kami. Tinago ko ang pregnancy test kit ko sa ilalim ng lalagyanan ko ng mga damit. Bukas ko na lang ng gabi sasabihin kay Alden. Yayayain ko na lang siya mag out of town ng weekend.




Umarte ako na parang wala lang. Nag prepare din ako ng dinner namin para masaya naman siya mamaya pag uwi niya. Nag umpisa na ako. Dahan dahan na galaw lang. Bawal daw magbuhat ng mabigat e.





Napapangiti ako habang nagluluto. Naiisip ko pa lang yung magiging reaction ng asawa ko, kinikilig na ako. Hinawakan ko ang tyan ko at ipinagpatuloy ang pagluluto.




"Baby? Bukas sasabihin ko na kay Daddy na parating ka na. Excited na ako!" Parang tanga akong kinakausap ang sarili ko.




Hindi ko na namalayan ang oras. Maya maya lang ay bumukas na ang pinto at nakita ko ang gwapo kong asawa.




"Hi hubby!" Masayang bati ko sa kanya. Nakangiti naman siyang lumapit sa akin at hinalikan ako. Hayy! Parang gusto ko na sabihin. Hindi na ako makapaghintay ng hanggang bukas.




"Nagluto ka? Wow naman. Maganda yata ang mood ng Misis ko ngayon ah." Masayang sabi niya. Sabay niyakap na naman ako. Namiss ko din syempre ang lambingin niya. Lagi ko na kasi siyang nasusungitan e.




"Pst. Pogi." Nakangiting tawag ko sa kanya sabay hawak sa pisngi niya. 




"Bakit?" Kinikilig na naman ako sa ngiti niya sa akin e.




"Mahal na mahal kita." Masuyong sabi ko at hinalikan ang ilong niya.




"Mas mahal na mahal kaya kita." Hahaha! Para kaming mag boyfriend lang e. Niyaya ka na siya kumain. So far, naging masaya naman ang dinner namin.





KINABUKASAN




Two Worlds Collide (MaiDen) COMPLETEDTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon