A/N: @princesstrisha23 this is for you. Thank you for adding my story in your reading list.
Maine's POV
Masaya akong bumaba ng sasakyan at pumunta sa office niya. Lahat pa naman ng makita ko ay nakangiti ako. Gusto ko kasi mag share ng good vibes sa kanila kahit sa ngiti ko man lang. Narating ko ang office niya. Nakita ko si Ate Pia na madaming ginagawa.
"Ate, si Alden?" Nakangiting tanong ko sa kanya. Ngumiti din naman siya ng makita ako.
"Nasa loob Ms. Maine. May kausap lang siya. Pasok ka na lang."
"Ay hindi okay lang. Dito na muna ako." Umupo ako sa may waiting area. Baka kasi kliyente ang kausap niya. Ayoko ma distract siya.
Pero napansin ko na nakaawang ang pintuan. Parang hinila ang paa ko at sinilip ko yun. Halos mahimatay ako sa nakita ko. Si Alden! Hawak hawak ng isang babae sa batok at parang nag... Naghahalikan!
Ramdam na ramdam ko ang sunod sunod na pag agos ng luha sa mga mata ko. Bakit? Kailan pa niya ginagawa saken to? Napaatras na lang ako at iniwan kay Ate Pia yung pagkain na dala ko pati yung cellphone niya. Mabilis akong bumaba. Bahala na kung may makakita sa akin na naiyak.
Sumakay agad ako sa sasakyan at umuwi. Nagulat pa nga si nanay dahil ang aga ko. Hindi ko na siya pinansin at umakyat na ako sa taas. Kinuha ko ang ibang gamit ko. Nilagay ko yun sa maleta ko at nagmamadaling bumaba.
"Maine, anak ano bang nangyari? Bakit dala mo yang mga gamit mo? Sandali nga." Hawak ni nanay ang kamay ko.
"Nay, kayo na po muna ang bahala sa bahay. Pag nagtanong po siya pakisabi hindi niyo po alam kung nasaan ako." Niyakap ko lang siya at umalis na. Pinigil ko Mang Jimmy na ihatid ako. Nag taxi lang ako at pumunta sa bahay namin.
BINABASA MO ANG
Two Worlds Collide (MaiDen) COMPLETED
फैनफिक्शनThey were bound by a fixed marriage... Mag bestfriend ang mga magulang nila.... But what will happen if they will be forced to get married and live under the same roof? Wala silang nagawa. Lagi silang nag aasaran.... Nagkukulitan, pero hi...