Maine's POV
Natatawa ako kay Alden. Infairness. Ang galing niya umarte. Sabi nga nila, just embrace the differences and learn to go with the flow. Sumabay na lang sa agos ng buhay. And now at this moment, I need to act as if I am really inlove with the man standing beside me. The man who happens to be my husband.
Hawak niya ang kamay ko habang sinasalubong namin ang mga tao na binabati kami. Syempre kailangan nga umarte na masaya kami e.
"Congrats and best wishes baby!!!" Sabay sabay na sabi saken ng tatlong bruha na kanina pa tili ng tili. Kahit na nasa unahan ako at hindi ako nakatingin sa kanila, alam ko na sila yun. Hahaha!
"Salamat. Grabe naman ang iingay niyo kanina!" Nakangiting bati ko sa kanila sabay halik sa pisngi.
"Syempre nakakakilig kaya! Grabe no? Nakakainlove kayo tignan lalo na nung nasa unahan kayo tapos nagtatawanan kayo. Yung parang kayo lang ang tao sa mundo. Hahaha! I smell that love is in the air!" Nag iinarte na sabi ni Kathryn.
"Oo nga grabe tapos bagay na bagay pa kayo. Swerte kayo sa isa't isa." Sabi naman ni Nadine.
"Loka kayo!" Pinipilit ko lang wag kiligin. Pabebe ako e. Hahaha!
Lumapit naman ang tatlong kaibigan ni Alden at binati din kami.
"Magpakabait ka na pare ah!" Sabay tapik sa kanya ni James
" Bantayan mo yan Maine. Mahilig kasi sumalisi yan e." Biro naman ni Daniel
"Mga baliw kayo! Tara na sa reception at gutom na tong Mrs ko." Sabay tingin sa akin ni Alden na nakatawa pa.
Namula na naman ako! Okay! Nakakakilig lang talaga.
"Teka, saan kayo sasabay? May dala ba kayong sasakyan?" Naalala ko kasi yung tatlo.
BINABASA MO ANG
Two Worlds Collide (MaiDen) COMPLETED
FanfictionThey were bound by a fixed marriage... Mag bestfriend ang mga magulang nila.... But what will happen if they will be forced to get married and live under the same roof? Wala silang nagawa. Lagi silang nag aasaran.... Nagkukulitan, pero hi...