Forty Four

5.8K 191 6
                                    

Alden's POV






Nakauwi na kami ng bahay at nakahiga na kami ngayon. Hindi pa din mawala ang mga ngiti ko. Bumalik siya. Nandito na ulit siya sa tabi ko. Mas pinili niyang patawarin ako at pakinggan kesa tuluyan niya akong iwan. Ang swerte ko lang sa asawa ko.




At hindi din maalis ang tingin ko sa tyan niya. Hindi pa halata. Nagbunga ang pagmamahalan naming dalawa. Hindi ko alam kung tatalon ba ako sa tuwa o iiyak ako lalo na pag nakita ko na yung anak namin.





Yumuko ako at hinalikan ko ang tyan niya. Tulog naman na siya e. "Hi baby. Excited na kami makita ka. Kahit na ang liit liit mo pa lang. Wag mo masyado papahirapan si Mommy mo ah?" Hinalikan ko ulit yun.




"Hoy. Ginagawa mo dyan? Hindi ka pa naririnig ni baby." Nagising pala si Maine sa ginawa ko.




"E gusto ko na kasi kausapin siya e." Nakangiting sabi ko sa kanya at humiga na sa tabi niya. Niyakap ko siya ng mahigpit na mahigpit. "Sobra kitang namiss. Dalawang gabi lang kita hindi nakatabi pero pakiramdam ko ang tagal tagal."





"Ako din naman e. Sorry na huh? Mahal na mahal naman kasi talaga kita e. Galit lang ako nun kaya ko naisip yung bagay na yun." Hinawakan niya ang pisngi ko. Lagi niya naman ginagawa yun e.





"Wala na sa akin lahat yun. Hindi ko din kasi nasabi sayo ang tungkol sa kanya kasi wala naman na sa akin yun. Ni minsan hindi ko siya nagustuhan."





"Alam ko na yun. Sa akin ka lang kasi talaga nagkagusto. Hahaha!" At ang tawa niyang yan ang isa sa mga hinahanap hanap ko e.





"Nako! Sa dinami dami ng nagkagusto sa akin, ikaw lang talaga ang napili ko. Swerte mo ang gwapo  ng asawa mo pero stick to one at seryoso." Inirapan niya na naman ako.




"Tulog na tayo hubby. Papasok ka pa bukas." Pikit matang sabi biya. Hinalikan ko naman ang buhok niya at natulog na din.





Two Worlds Collide (MaiDen) COMPLETEDTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon