Maine's POV
Nasa ospital pa din kami at magkatabing nakahiga ni Alden. Hanggang ngayon nagpapasalamat pa din kami kasi nakaligtas kami. Unang pagsubok na matindi namin yun pero hindi kami pinabayaang ng Diyos.
"Buti na lang hindi niya tayo iniwan no? Kasi kung nagkataon, baka nasa langit na tayo ngayon." Sabi ko kay Alden habang hawak hawak ko ang kamay niya. Nilalaro ko kasi yun.
"Pero magiging masaya tayo kahit na nasa langit na tayo kasi magkasama pa din tayo e." Nakangiting sabi niya tapos hinalikan yung ulo ko.
"Maine, mangako ka. Na kahit anong mangyari hindi mo ko iiwan." Tinignan ko siya. Habang hinihintay niya ang sagot ko.
"Oo naman Alden. Pangako. Hanggang kamatayan. Hindi tayo maghihiwalay." Nakangiting sabi ko at mas niyakap ko pa siya. Hindi kasi siya masyado makagalaw dahil may benda pa din ang braso niya. Mas madami kaya siyang sugat kesa sa akin.
Bigla naman bumukas ang pintuan at nakita ko ang mga kaibigan namin na may dalang pagkain. Yung mga lalake ang may dala. Dali dali kasi silang lumapit sa akin at niyakap ako.
"Maine naman e! Ano okay lang ba kayo? Anong masakit? Saan banda?" Sunod sunod na tanong ni Nadz.
"Resbakan na lang natin yung gumawa nyan sa inyo pare. Sabihin mo lang." Sabi naman ni James. Tumango naman si Alden.
"Namumukhaan ko pa naman yung iba sa kanila. Maswerte lang at nakaalis sila e." Sabi naman ni Alden. Hindi ko naman sila pipigilan kung sakaling resbakan yun ng mga kaibigan niya e.
"Oo. Yung iba sa mga gumulpi sa akin, umaga pa lang umalis na kaya hindi sila nahuli. Natatandaan ko pa naman ang mga mukha nila. At pinahanap na sila ni Papa. Nasa office ko ang mga profiles nila. Kunin niyo na lang." Seryosong sabi ni Alden.
"Wag masyado ha. Alam mo naman na hindi maganda ang nananakit ng kapwa." Sabi ko sa kanya.
BINABASA MO ANG
Two Worlds Collide (MaiDen) COMPLETED
FanfictionThey were bound by a fixed marriage... Mag bestfriend ang mga magulang nila.... But what will happen if they will be forced to get married and live under the same roof? Wala silang nagawa. Lagi silang nag aasaran.... Nagkukulitan, pero hi...