Alden's POV
Maaga kami nagising. 7AM kasi ang scheduled flight namin papuntang Paris so kailangan 5AM pa lang nasa airport na kami.
"Gumising ka na dyan payatot! Alam mong aalis tayo e." Niyugyog ko ang balikat niya para magising siya.
"Ano ba? Ang aga aga pa e." Tapos nagtakip ulit siya ng unan.
Napabuntong hininga na lang ako. 2:30 pa lang naman. May time pa para magluto ng breakfast. Tumayo na lang muna ako para maghanda ng almusal namin. Bumaba ako para magluto. Maya maya kasi darating na si Mang Jimmy para ihatid kami sa airport.
Nagpunta ako ng kitchen para tignan kung ano ang pwede kog iluto. Marunong naman din ako magluto kahit paano. Eto yata si Payatot hindi.
Nakakita ako ng egg, ham at bacon. Yun na lang tsaka fried rice. Nagsimula na ako magluto. Nag init na din ako ng tubig para makainom kami ng hot chocolate.
Swerte nito ni payatot ako pa talaga naghanda ng breakfast namin. To think na unang araw namin to bilang mag-asawa.
3AM na ng matapos ako at umakyat ulit para gisingin siya. At aba ang sarap pa nga talaga ng tulog. Nilapitan ko siya para gulatin sana. Pero nung makalapit na ako sa kanya. Hindi ko mapigilan ang sarili ko na pagmasdan siya.
Kung titignan mo siya habang natutulog, hindi mo iisipin na matakaw, mahilig sumigaw at mapanakit ang babaeng to. Para siyang anghel na natutulog. Ang ganda niya pagmasdan.
Para na naman akong natutukso na halikan siya. Nilayo ko ang mukha ko sa kanya pero para naman may magnet ang ulo ko na bumabaling pabalik sa kanya.
Nilapit ko na ang mukha ko sa kanya. Nararamdaman ko ang paghinga niya. Damn! Maine bakit ganito ang nararamdaman ko sayo?
BINABASA MO ANG
Two Worlds Collide (MaiDen) COMPLETED
FanfictionThey were bound by a fixed marriage... Mag bestfriend ang mga magulang nila.... But what will happen if they will be forced to get married and live under the same roof? Wala silang nagawa. Lagi silang nag aasaran.... Nagkukulitan, pero hi...