Maine's POV
Nasa office ako ngayon ni Alden at kasalukuyang nagtitingin ng mga curriculum vitae ng mga nag aapply na bago niyang secretary. Si Rhea kasi ay kailangan na din umalis agad. Nagpasalamat naman siya dahil sabi ko na ako na muna ang gagawa ng trabahong maiiwan niya. Wala din naman akong gagawin sa bahay e.
Ang magaling kong asawa? Nandun sa office niya at nagbabasa ng mga papel. Nagkaproblema daw kasi sa sales. Bigla kasing umatras yung client na nakuha nung sales representative. Hindi yata niya nag explain ng maayos kung bakit may other charges.
Pero panay ang tingin naman sa akin ng lalakeng to sabay ngingiti. Hindi ko na lang siya pinansin. Nagpatuloy ako sa pag scan ng mga papel na hawak ko. Karamihan puro bata pa e. Wala akong makita na may edad na. Gusto ko yung may asawa na. Hahaha! Para secured na sa akin lang si Alden ko.
You can't blame me guys. Magkaroon ka ba namn ng asawang mala Adonis ang kagwapuhan e. If you are in my shoes, ganun din ang gagawin niyo I'm sure.
"Lunch break na wifey. Tama na muna yan. Kung gusto mo hindi na ako magha-hire ng secretary ko para lang matahimik ka na e. Napaka possessive ng misis ko." Nakangiting sabi niya.
"Nagsisiguro lang ako! Mamaya hindi mo mapigilan yang kaharutan mo e." Pairap na sabi ko sa kanya.
"Alam mo naman na sayo lang ako e." Malambing na sabi niya. Siniko ko naman siya.
"Oo alam ko yun! E sila alam ba nila na akin ka lang?" Nakataas ang kilay na tanong ko sa kanya. Selosa naman kasi talaga ako. Aminado ako.
"Hahahaha! Grabe naman. Sige na nga ikaw na ang bahala. Alam mo naman na ikaw lang ang boss ko. Kung anong sabihin mo hindi ako kokontra sayo."
"Mabuti na ang malinaw." Tinapos ko lang ang ilang binabasa ko at sumama na ako mag lunch sa kanya. Gutom na din kasi ako. Lagi nga akong gutom ngayon. Ewan ko ba kung bakit. Sabagay hindi na naman bago yun. Hahaha!
Nauna na akong umuwi kay Alden. Wala naman kasi akong mapili e. Bukas na lang ako babalik ulit. Nagpipilit pa nga siya na ihatid ako pero sabi ko hindi na. Tinawagan niya na lang si Mang Jimmy para ihatid ako sa bahay.
BINABASA MO ANG
Two Worlds Collide (MaiDen) COMPLETED
FanfictionThey were bound by a fixed marriage... Mag bestfriend ang mga magulang nila.... But what will happen if they will be forced to get married and live under the same roof? Wala silang nagawa. Lagi silang nag aasaran.... Nagkukulitan, pero hi...