Two

7.4K 248 7
                                    

Maine's POV






Inis na inis pa din ako. Umakyat muna ako sa kwarto. Gustong gusto ko na kumain pero kailangan ko maghintay. Nakakahiya naman kung mauuna ako sa baba. Kahit na laway na laway na ako sa mga pagkain na natatanaw ko sa baba.






Narinig ko na may umakyat sa kwarto ko. Si Mommy pala. "Nak? Bakit nandito ka pa? Tara na sa baba." Yaya ni mommy sa akin.





"Ma, gutom na gutom na ako! May isa akong cupcake na nakita sa fridge pero sa kasamaang palad nahulog yun. May isang hudas na nakapasok sa kusina natin. Kanino bang bisita yun? Di ko naman kilala yun." Pagmamaktol ko sa mommy ko at nakita ko naman na natawa siya.






"Kaya nga tinawag na kita dahil magsisimula na ang party mo sa baba. May mga kaibigan ka na nandun na. Para makakain ka na din."






"Kakain muna ako. Utang na loob at labas Ma!" Natawa naman si mommy sa akin at niyaya na ako pababa.





Madami na palang tao sa baba. Di ko na napansin dahil ang mata ko ay nasa pagkain. Hahahaha!




As usual, ang party nagsimula sa pagpapakilala sa akin. Di ko na nga napansin yung ibang sinasabi nila dahil gutom na talaga ako. Nagsimula akong pumila sa buffet table at kumuha ng dalawang plato. Tama! Dalawang plato dahil matakaw ako at aminado naman ako. Hahaha!





Sa dulo ako umupo para naman di nila makita ang katakawan ko. Nagsimula na akong kumain. Sakto. Sarap ng mga pagkain. Habang nasa kalagitnaan ako ng pagkain ay nakaramdam ako ng may umupo sa tabi ko.





Di ko agad naangat ang tingin ko dahil masarap nga kasi kumain. Bahala na yan kug sino man yan. Hahaha!





"Ang liit liit ng katawan mo pero napakatakaw mo! Tss."

Two Worlds Collide (MaiDen) COMPLETEDTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon