Twenty Nine (Its Official)

6.1K 251 5
                                    

Alden's POV




Maaga ako nagising. Hindi naman kasi ako nakatulog ng maayos kagabi e. Tulog pa si Maine ng iniwan ko. Hindi ako papasok sa office ngayon. May kailangan akong ayusin. Mas importante. Nagmamadali pero maingat akong nag ayos. Hindi siya pwede magising.




Agad kong tinawagan si Nadine. Oo kami ang magkikita ngayong araw. Hindi ko na din matitiis pa ng isang araw na ganyan si Maine sa akin. Pakiramdam ko mamamatay ako pag hindi niya ako kinausap pa. Sa isang cafe kami nagkita kita.




"Langya ka Alden! Sino ba yung babaeng yun? Alam mo bang hindi na makahinga yan si Maine kakaiyak sa amin kahapon." Sabay irap sa akin ni Kath. Alam ko naman kasi na magagalit sila sa akin kaya hinanda ko na ang sarili ko.




"Oo na. Mali na ako pero hindi ko naman kasi talaga sinasadya e. Ni hindi ko nga hinawakan yun. Syempre nasa state of shock pa ako nun." Paliwanag ko naman sa kanila.




Pero umiyak siya? Ibig sabihin nagseselos siya? Tanong ko sa sarili ko.Dumating naman na sila Diego, Daniel at James. Nakita ko na umasim na naman ang mukha ni Nadine.




"Okay na lahat. Kailangan na lang si Maine yayain natin lumabas mamaya." Sabi Nadine. Buti na lang hindi nila ako iniwan.




"Eto Alden, malinaw na usapan. Isang beses pa na umiyak yang asawa mo dahil sayo. Hinding hindi ka na namin tutulungan!" Sabi ni Nadine.




"Oo promise. Salamat talaga." Sabi ko sa kanila. Okay na. Ayos na lahat. Si Maine na lang ang kulang.





Nadine's POV




Pinaplano namin ang surprise ni Alden para kay Maine mamaya. Eto talaga yung dahilan kung bakit hindi kami nasama ngayon kay Maine. Alam namin nagtatampo na yun e. Aamin na kasi si Alden sa kanya kaya mas kami pa yung excited.




E nangyari naman yung kahapon. Mas mabuti ngang nangyari na din yun. Napatunayan namin na mahal nila ang isa't isa. Hahaha!




Abala kami sa pag dedesign ng venue. Ako kasi ang nagkakabit ng mga flowers. Busy lahat kaya kailangan kong ikabit mag isa ko yung Tarpauline naman. Ginamit ko na lang yung hagdanan. Pwede naman namin to ipa design na lang pero gusto namin, kami. Para mas masaya. Hahaha! Ganyan talaga ang role ng mga kaibigan.

Two Worlds Collide (MaiDen) COMPLETEDTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon