Nadine's POV
Hi! Ako nga pala si Nadine Lustre. Kaibigan ni Maine na kasalukuyang nasa reception pa din ng kasal nila at nakaupo sa tabi ni Kath at Julia. Nakasimangot dahil sa dinami dami ng pwedeng makasalo ng bouquet ni Maine ay ako pa at si James naman dun sa band na hinagis ni Alden.
Bakit ako asar kay James? Ang yabang niya lang naman kasi.
FLASHBACK....
Mag fifit kami para sa mga damit ng mga kasama sa entourage. Biglang dumating ang mga kaibigan ni Alden. Napansin ko na katulad ni Alden, gwapo din ang mga kaibigan niya.
"Shit! Ang gwapo ng mga kaibigan ng mapapangasawa ni Maine!" Kinikilig na sabi ni Julia
"Nakita ko na yata ang forever ko." Sabi naman ni Kathryn.
Ako? Nagwapuhan din naman ako sa kanila pero si James talaga yung una kong napansin. Pinakilala kami ni Alden sa kanila at maayos naman ang naging pagpapakilala sa amin.
Nung time na magsusukatan na. Nauna ako magpasukat. Ramdam ko na nakatingin siya sa akin at habang sinasabi nung wedding designer ang sukat ng katawan ko ay ewan ko ba kung bakit siya natawa. Syempre hindi ko muna pinansin.
Natapos na ako magsukat at sumunod na si Kath. Bigla naman siyang umupo sa tabi ko.
"Ganda mo sana. Ang laki lang ng braso mo." Sabay tinawanan ako ng nakakaloko!
The nerve of this guy! Sino ba siya sa akala niya para pagsalitaan ako ng ganun?
Inis na humarap ako sa kanya. "Look Mr. I-don't-care-who-you-are-monster, hindi tayo close para magbigay ka ng opinyon mo tungkol sa braso ko!"
BINABASA MO ANG
Two Worlds Collide (MaiDen) COMPLETED
FanfictionThey were bound by a fixed marriage... Mag bestfriend ang mga magulang nila.... But what will happen if they will be forced to get married and live under the same roof? Wala silang nagawa. Lagi silang nag aasaran.... Nagkukulitan, pero hi...