Maine's POV
Pasado alas dose na ng marinig ko ang sasakyan ni Alden. Hindi ko na siya nahintay kumain dahil kailangan na din namin magpahinga ni Abbey. Sinalubong ko na lang siya sa pintuan.
"Hi hubby. Bakit ginabi ka? Saan kayo nagpunta ni James?" Nag aalalang tanong ko. Ngumiti naman siya sa akin. Pero may mali sa mga ngiti na yun e. Hindi yun ang ngiti ni Alden lalo na pag uuwi ng bahay.
Yung ngiti niya parang malungkot. Parang pilit. Pati yung mga mata niya. Parang malungkot din. Hinawakan ko ang noo niya baka kasi may lagnat. Wala naman.
"May inayos lang kami. Kumain ka na ba? Saan si Abbey?" Malambing na sabi niya sa akin.
"Tulog na si Abbey. Naiyak nga kanina hinahanap na naman siguro ang amoy at hele ng daddy niya." Nakangiting sabi ko. Pero nagulat ako ng yakapin niya ako.
"Wifey, mahal na mahal kita. At ipangako mo sa akin na kahit anong mangyari, hinding hindi ka bibitaw sa akin. Sa atin."
Takang napatingin naman ako sa kanya. Bakit parang nagpapaalam siya?
"Bakit? Para namang iiwan mo na kami." Kalmado ako pero kinakabahan pa din ako. Hindi ko kasi alam kung ano na naman ang nangyari.
"Sinasabi ko lang. We'll never know what the future holds. Basta, kailangan mangako ka na tayong dalawa lang. Kahit anong mangyari. Hindi ka bibitaw." Hinawakan niya ang pisngi ko at hinalikan ako.
Kahit na naguguluhan ako nangako ako sa kanya na hinding hindi ako bibitaw. "Pangako."
Niyaya niya na ako matulog pagkatapos nun. Gulong gulo pa din ang isip ko.
BINABASA MO ANG
Two Worlds Collide (MaiDen) COMPLETED
FanfictionThey were bound by a fixed marriage... Mag bestfriend ang mga magulang nila.... But what will happen if they will be forced to get married and live under the same roof? Wala silang nagawa. Lagi silang nag aasaran.... Nagkukulitan, pero hi...