Thirty Six

5.1K 184 3
                                    

A/N: @Niculasa this is for you. Thanks sa pag vote. :)






Alden's POV





Kanina pa ako paikot ikot dito sa hospital room ko. Baka kasi kung ano na naman ang gawin ng Ian na yun sa asawa ko. Nako mapapatay ko na siya pag inulit niya na naman ang ginawa niya sa amin. Hindi pa nga kami magaling e. Ayan na naman siya. Kahit na naka wheel chair pa ako ay pipilitin kong makatayo masapak ko lang ulit siya e.





Ikot pa din ako ng lakad habang si Papa naman ay nakaupo at kumakain ng dala niyang grapes. "Ano ka ba? Ikot ka ng ikot kanina pa ko nahihilo sayo ah." Sita ni Papa sabay kain ulit.




"E kasi baka kung ano na naman gawin niya kay Maine e. Bakit kasi kailangan wala ako pag nag usap sila. Pwede naman na nandoon ako e." Nagmamaktol na sabi ko.





"E sa ayaw nga nila na nandun ka e. At tsaka huling pakiusap naman na yun ng tao e. Ano bang iaano mo dyan anak? Malay mo may mga dapat silang pag usapan na hindi mo na kailangan pan marinig. Alam mo na, PRIVACY." Pagdidiin ni Papa. Lalo naman ako nainis.





"Privacy privacy pa e asawa naman ako ni Maine! I have all the rights to know what's happening with her or whom she will talk to! Privacy privacy." Naiinis na sabi ko. Kanina pa kasi e! 5 minutes and 30 seconds na. Hindi pa din nalabas ang lalakeng yun.





Tumatawa na naman si Papa. "Ano bang nakakatawa Pa?"





"Ikaw! Hahaha! Takot na takot ka kasi. Bakit? Kasi first love yun ni Maine?" Nakangising sabi niya. Uminit na naman ang ulo ko.




Totoo naman kasi e. Na first love niya yun. Baka mamaya may sabihin yun sa kanya tapos paniwalaan niya. Baka iwan niya ako! Magpapakamatay ako.





"Tumigil ka na nga dyan Papa. Hindi na nga ako mapakali dito e." 



Two Worlds Collide (MaiDen) COMPLETEDTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon