Forty Two

4.9K 159 2
                                    

Nadine's POV





Pumunta agad kami nila James, Diego, Kath, Julia at Daniel sa bahay nila Alden ng malaman namin na umalis si Maine. Pumunta na siya kahapon sa bahay pero hindi ko naman siya naabutan dahil nasa trabaho pa ako nun.




Nasa labas pa lang kami ng bahay ay nakita na namin na tahimik ito at parang magulo sa loob. Bukas kasi yung bintana nila. Pagpasok namin ay nakita namin ang nakahandusay na si Alden sa sahig. May bote ito sa tabi niya at puro dugo ang kamay niya.





"Fuck!" Sabay sabay na itinayo nilang tatlo si Alden. Wala pa din itong malay bunga ng kalasingan. Binuhat nila ito at inihiga na lang sa sofa.




"Ligpitin na muna natin to." Niligpit namin lahat ng kalat at naglinis na din kami. Hanggang ngayon hindi pa din namin alam kung saan hahanapin si Maine dahil pati mga magulang niya ay hindi alam kung nasaan siya.




"Paano natin hahanapin si Maine." Nakita ko si Julia na iiyak na din. Hindi na kasi namin alam ang gagawin.





"Maine. Wifey ko. Bumalik ka na saken. Hindi ko naman talaga hinalikan si Louise e." Nagsasalita si Alden habang tulog. Tapos tumutulo yung luha niya.





God. Please naman tulungan niyo naman po kami malaman kung nasaan si Maine.






Maine's POV





Nakarating na ako sa rest house namin sa Cebu. Hindi kasi alam ni Alden na may property kami dito at binilinan ko na din ang care taker na wag sasabihin sa parents ko na nandito din ako. Humiga ako sa kama para magpahinga na muna saglit.






Naaalala ko na naman ang nakita ko kahapon. Ang sakit isipin na sa isang iglap, nabura lahat ng masasayang alaala na meron kami. Tumulo na naman ang luha ko. Bakit kailangan mo kong lokohin Alden?





Two Worlds Collide (MaiDen) COMPLETEDTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon