Special 1

25K 301 17
                                    

(Paano magpalit ng Diaper sa Baby? Pasampol nga!)


Mahimbing ang tulog ng mag-asawang si DJ at Kath. Magkayakap pa silang dalawa.

"Uh Uwah! Wah! Uwah! Wah!"ngawa ng isang sanggol na panigurado eh isa sa kambal na sina Francis at Mikay.


Nagising si DJ pero si Kath ay masarap ang tulog na kakapatahan lang kay Mikay mga two hours ago. Porsur si Mikay na naman ito sa isip-isip ni DJ. Hirap na bumangon si DJ at tumungo sa kwarto ng dalawang sanggol na papungas-pungas pa.

"Shh!! Mikay! Mikay."pagpapatahan niya pero hindi pala si Mikay ang umiiyak.. Si Francis pala dahil naihi ito sa baby crib niya. Napasapo ng noo si DJ. Halos pagod siya sa trabaho kaso inaalala niya si Kath na naabutan niya kaninang alas-dos na ng madaling araw na nagpapatahan kay Mikay.

"Kalalaki mong tao Francis sana naman paglaki mo huwag ka ng umihi sa higaan."bulong ni DJ na ang tinutukoy ay ang anak niya at papalitan niya ng Diaper.


Tatanggalin niya sana ang Diaper kaso ayaw matanggal nito nakalimutan niya. Hindi pala siya marunong. *payspalm*



"Paano ba 'to?"sa isip-isip ni DJ hindi niya pwedeng gisingin si Kath. Pagod nga ito hindi nga siya naka-iskor dahil nga sa pagod na pagod ito.


No Choice si DJ kailangan niyang mag-research kung paano buksan ang Diaper. Dali niyang kinuha ang kanyang Smart Phone at in-open ang 3G nito para makapag-internet siya.


Dagli niyang in-open ang app na Safari para makapag-search siya. Tinaype niya ang salitang Paano magpalit ng Diaper sa baby?


Search!


Loading...

Loading..

Loading...

Loading..

Loading...


"Pucha! Ang tagal naman nito!"sa isip-isip ni DJ. Biglang may lumabas at napamura si DJ. Ano ang lumabas?



Searching for Paano magpalit ng Diaper sa baby? "No Result"



"Pambihira naman! Anong gagawin ko?"sabi ni DJ sa sarili at tinignan ang anak na natutuyuan na ng ihi sa Diaper. Nakita niya ang Pakate ng Diaper. Napa-palo siya sa kanyang noo dahil may Demonstration dito. Medyo Tanga at Bulag kasi siya na dumating pa sa puntong hindi niya tinignan ang likod ng pakete ng Diaper at kailangan pa niyang i-asa kay Mareng Google ang pagpalit ng Diaper sa anak niya.

Kinuha ni DJ ang Pakete ng Diaper para basahin ang mga sumusunod na procedures.

"Una, Kumuha ng Diaper."sabi ni DJ at kumuha siya ng Diaper. Malamang kukuha siya ng Diaper anong gagamitin niya? Yung plastic na pakete? *iling* *iling*

"Pangalawa, Tanggalin ang tape sa magkabilang dulo para mabuksan ang Diaper."basa ni DJ sa instructions na nasa pakete ng Diaper. Inusisi ni DJ ang Diaper para mahanap ang tape sa magkabilang dulo na tinutukoy sa Diaper at umabot pa ng higit limang minuto bago niya nahanap.

"Pangatlo, Pagkabukas ng Diaper ilatag ito at patungan ng sanggol."sabi ni DJ at napakunot noo naman siya habang binabasa ang instruction.

"Hindi rin nakaka-green ang nandito ano?"sabi ni DJ sa sarili at tinignan ang anak bago umiling at sinunod ang nasa instructions.

"Pang-apat, May tape pa sa gilid tanggalin din ito."basa ni DJ at napabuntong hininga na lang.

"Ang daming tape nito aksayado sa oras at sa tape."sa isip-isip ni DJ at tinanggal na lang ang tape sa gilid.

SLH (The Special Book)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon