(Assignment ni Mikay)
Umuwi si Mikay na may assignment, Ang kanyang kuya Francis ay naiwan sa school para makipaglaro sa ibang bata habang si Tammy ay may meeting sa sinalihang club.
"Uhh.. Tito JC where's Mommy and Daddy?"tanong ni Mikay kay JC na naka-upo sa sofa ng bahay nila at may kinakalikot sa phone nito.
"Ah nag-date silang dalawa, Pinabantayan muna kayo sa amin since sandali lang naman daw sila eh na saan na nga pala ang kuya Francis mo?"tanong JC sa pamangkin. Ang gago lang matapos sagutin ay pinukol si Mikay ng tanong.
"Nakipaglaro po with our schoolmates! Close na namin sila!"sabi ni Mikay at napa-pokerface naman si Lester na nasa gilid.
"Eh kung close kayo bakit nandito ka?"at nakatanggap naman si Lester ng batok mula kay Katsumi.
"Wag mo nga ganyanin yung bata, Parang walang anak eh! Teka natatae ako."sabi ni Katsumi sabay tayo, Nagpadaan pa ito ng utot sa kanila.
"Katsumi ang baho!"sigaw ng Parking 4 ft Mikay, Oo Ft Mikay dahil naaamoy din niya.
"Kapag may mabangong utot inform niyo ko agad ha!"sarkastikong sabi ni Katsumi sa mga kaibigan bago pumasok sa banyo. Nang biglang tumayo si Lester at pumunta sa kusina at si Seth naman tumayo papunta sa Garden.
"Tito JC i have an assignment! Will you help me?"sabi ni Mikay kay JC at nilabas ang mga notebooks niya.
"Sige ba tutulungan ka namin ng mga tito mo! Basta wag lang Math ha."sabi ni JC habang kinakalikot pa rin ang phone niya, May ka-text ata.
"Opo Tito JC i will ask you na lang po kapag hindi ko alam."sabi ni Mikay at tinignan ang assignment niya bigla naman nag-ring ang phone ni JC at agad na sinagot ni JC ang tawag. Napatitig naman si Mikay hindi niya alam ang sagot sa number one.
"Tito JC ano po sagot sa number one?"tanong ni Mikay habang nakatingin sa notebook na inaakalang pinagmamasdan siya. Lumingon si Mikay at wala pala ang Tito JC niya sa likuran niya, Kinuha niya ang notebook at hinanap si JC. Natagpuan niya ang Tito sa may Garden may kausap sa phone nito.
"Tito JC ano po sagot sa number one?"tanong ulit ni Mikay sa kanyang Tito.
"Ano?! Tangina bakit ko naman sasagutin yan? Gago ka ba?"sabi ni JC sa kausap sa phone nito, Ngumiti naman si Mikay at inilimbag sa notebook ang sinagot ng Tito niya.
"Thanks tito JC."sabi ni Mikay at pumasok na sa loob. Napatitig siya sa number two, Tinignan niya ang Tito JC niya mukhang stress ito. "Sobrang hirap ba ng number one at nakahawak si Tito JC sa ulo niya?" sa isip-isip ni Mikay hindi na lang niya pinansin at pumasok sa loob. Pumunta siya kay Katsumi na kasalukuyan pa rin naglalabas ng sama ng loob sa banyo.
"Tito Kats! Ano po sagot sa number two?"sigaw ni Mikay sa labas ng banyo, Nilapat niya ang tenga niya sa pinto at narinig niya si Katsumi.
"Doon sa kubeta, Doon sa kubeta."kanta ni Katsumi napatango naman si Mikay at nilimbag ang narinig sa notebook ang sinabi ng kanyang tito. Pinuntahan naman niya si Lester na nasa kusina at nagluluto habang kumakanta.
"Tito Lester will you tell me the answer at number 3?"tanong ni Mikay kay Lester na kumakanta ng Maging Sino ka man.
"Pagkat Mahal kita, Mahal na Mahal kita."kanta nito, Ngumiti naman si Mikay at sinulat ang sinabi ng kanyang tito.
"Thanks Tito Lester."sabi ni Mikay sabay takbo kay Seth na papaalis na.
"Tito Seth ano po sagot s-"di na natapos ni Mikay ang itatanong niya ng biglang magsalita si Seth.
"Laters Baby."sabi ni Seth kay Mikay dahil bibili lang ito ng Dessert nila for Dinner. Sinulat naman ni Mikay ang sinabi ni Seth. Pumasok siya at naabutan niya si Kats na kalalabas lang ng banyo.
"Tito Kats whats the an-"hindi ulit natapos ni Mikay ang sasabihin ng sumigaw si Katsumi.
"Adios little poops!"sabi nito sabay flush ng toilet. Nakalimutan pala nitong i-flush ang toilets, Napatingin si Katsumi kay Mikay na nagsusulat.
"Oh ano yun Mikay?"tanong ni Katsumi sa inaanak na tinatakasan niya kapag pasko.
"Tapos na po, Thank you."sabi ni Mikay sabay silid ng kanyang notebook sa bag. Nakipaglaro muna ang P3 kay Mikay since bumili nga ng Dessert si Seth pagbalik ni Seth kasama na nito si Francis na nakasalubong nito papauwi.
Nag-MOMA lang sila, Ano pinanood? Teletubbies trip ng P4 na sabayan ang dalawa kahit na inis na inis na ang kambal sa palabas. Mga alas-diyes ng dumating ang mag-asawa, Ang sama ng tingin ng apat sa dalawa.
"Sandali lang kayo? Wow grabe yung sandali niyo inabot ng anim na oras! Bravo!"sabi ni Katsumi at nagpa-palakpak pa.
"Na-traffic kami."sabi ni DJ sa kanila at napa-palakpak naman si Lester.
"Na-traffic? Ang alin yung sperms ni DJ?"sabi ni Lester at binatukan ni Seth si Lester sa pinagsasabi nito.
"Gago ka ba Lester? May bata oh!"sabi ni Seth at tinuro ang kambal na naguguluhan sa pinagsasabi ng kanyang mga Tito.
"Na-Traffic nga! Ang kulit niyo, Francis! Mikay tara na sa itaas tulog na."sabi ni Kath at inalalayan ang kambal nila papa-akyat sa itaas, Umiling na lang si DJ sa mga barkada lalo na kay Lester.
"Ano? Hindi ba totoo yung sinabi ko?"sabi ni Lester at nag-shrug na lang si DJ sabay hagis ng paper bag sa apat.
"Bayad ko sa inyo sa pag- babysit sa kambal."sabi ni DJ at umakyat na sa itaas. Binuksan ng apat ang regalo wishing for something special pero bibingka at putobumbong lang pala ang laman nito. Nag-simba ata ang dalawa pero wala pa naman ang simbang gabi di ba? Ang totoo nadaanan lang nilang dalawa sa daan habang traffic.
=======
=======
"Sino ang may assignment?"tanong ng teacher nila Mikay sa buong klase. Nagtaas ang lahat maliban kay Mikay sa tingin niya kasi mali ang assignment niya pero feeling proud pa rin siya dahil ang matatalinong tito niya ang tumulong sa kanya kaya nagtaas din siya ng kamay.
"Okay Miss Padilla ano ang sagot sa number one."sabi ng Teacher nila. Tumayo si Mikay at tinignan ang notebook bago sumagot.
"Ano?! Tangina bakit ko naman sasagutin yan? Gago ka ba?"sabi ni Mikay sa kanilang Teacher. Nanlaki ang mata ng Teacher nila ni hindi nito malaman ang gagawin sa sinagot ng bata.
"Saan mo natutunan iyan?"tanging nabulalas ng kanilang guro dahil hindi ito makapaniwala sa sinabi ng kanyang estudyante.
"Doon sa kubeta, Doon sa kubeta."sabi ni Mikay napakunot ang noo ng kanilang teacher, Tumawa ang buong klase.
"Bakit mo ginagawa sa akin ito?"sabi ng kanilang guro at napahawak sa sentido.
"Pagkat Mahal kita, Mahal na Mahal kita."sagot naman ni Mikay, Umiling na lang ang guro at umayos ng postura.
"Please go to Guidance Office."sabi ng Teacher at tinuro ang pinto ng classroom.
"Laters Baby."sagot ni Mikay, Hindi na kinaya ng Teacher nila ang pinagsasabi ni Mikay kaya napasigaw na ito.
"Detention Now!"galit na sabi nito na halos umusok na ang ilong.
"Adios little poops!"sa sinabi ni Mikay doon na sumigaw ang kanilang Teacher. Wala na sumabog na ang Goodbye Philippines, Kawawang Mikay. Goodbye Patience nice meeting you na lang daw pinapasabi ng Teacher ni Mikay.
"TO THE PRINCIPAL'S OFFICE NOW!"sigaw nito nagulat ang buong klase, Nag-echo ang sigaw ng kanilang teacher hanggang sa Hallway.
_________________________Alam kong most of you alam na ang joke na yan! Haha Original po nito ang Assignment ni Pedro na kinuwento pa sa akin ng Perslab ko na si Dee nung mga bata pa lang kami mahilig kasi kaming magpalitan ng mga jokes noon eh Haha okay enough for me..
~Cynthia
![](https://img.wattpad.com/cover/5649504-288-k476866.jpg)
BINABASA MO ANG
SLH (The Special Book)
FanfictionNagsimula sa "hate and love" ang istorya ni Kathryn at Daniel. Ngayon ay magsisimula ang bagong aklat kung saan sila pa rin ang bida malamang! Samahan si Kathryn at Daniel sa kanilang buhay mag-asawa, As they keep their promise to Grow Old together...