Special 22

11.5K 127 12
                                        

(Lia: I want him back..)

"Haha grabe sabi na magbabati ang dalawa."sabi ni Karla sa akin at nag-apir kaming dalawa.

"Pero sana lang magkaroon ulit sila ng anghel bukod sa kambal, Nakakaawa silang dalawa nung nawala si Little Daniel."sabi ko sa kanya at sumang-ayon ang mukha niya sa sinabi ko.

"Sabagay tama ka, Nakita naman nating dalawa kung paano sila naghirap di ba?"sabi ni Karla sa akin nang may maalala ako.

"Nagawa ko na ang sinabi mo sa akin eh yung sinabi ko sa iyo? Confirm ba?"sabi ko sa kanya at tumango siya sabay lapag ng Brown envelope saka ko binuksan iyon.

"Huwag kang mag-alala Min, Malalagot sa batas ang gumawa niyaan sa ating apo. Don't worry may witness din tayong patunay."sabi ni Karla sa akin. Kaya naman napa-kunot ang noo ko habang tinitignan ang papers sa loob ng envelope.

"Witness? Sino?"nagtataka kong tanong kay Karla.

"Trust me Min, Trust me basta sisiguraduhin kong makukulong ang dalawang mahaderang babaeng iyon at mawawalan din sila ng Lisensya sa pagiging Nurse."sabi ni Karla at napatango naman ako.

"Aba dapat lang! Dahil sa kanila nakunan ang anak ko at nawala ang apo natin."sabi ko kay Karla. Nung nalaglag ang apo namin at hindi magpansinan ang anak namin, Gumawa na kami ng plano ni Karla.


Habang pinaiimbistigahan ni Karla ang nangyari ay ako naman ito gumagawa ng plano. Pinipilit ko si DJ na pumunta dito at magbati na sila ng anak ko at success gumana naman. Ngayon alam na namin ang suspects naku kalabaw lang ang walang latay!

-;-;-;-;-;-;-
-;-;-;-;-;-;-
Kath's POV

Nagising ako sa sinag ng araw at tulad ng dati, Mukha ni DJ ang bumungad sa akin. Na-miss ko ang mukha nitong unggoy na ito, Na-miss ko siya kaya hinalikan ko siya sa lips mabilis lang.

"Gusto kitang mapatawad pero di ko maiwasan masaktan, Nasasaktan ako kahit na pinipilit kong isipin na ayos ang lahat hindi ko magawa kasi nasasaktan ako."sabi ko at pinunasan ang luhang tumulo sa mata ko at tumingin sa kisame.

"Kath."tawag niya sa akin kaya nilingon ko siya, He look at me with a teary eyes. Hinatak niya ako sa kanya kaya naman napasiksik ako sa dibdib niya.

"I miss you so much."sabi niya at yinakap ako ng mahigpit at hinahalikan niya ang buhok ko.

"DJ."tawag ko sa kanya pero hindi ako tumitingin sa kanya. Nakasiksik lang ako sa kanya, Miss ko na din naman siya kaso nasasaktan pa rin ako.

"Kath wala talaga akong alam promise, Pakinggan mo ko at Pakinggan mo ang sinasabi ng Barkada. Kasama ko si Albie noon, Nagkasalubong kami sa Bilihan kahit itanong mo pa si Zharm. No lies Kath.. No lies."sabi ni DJ at nararamdaman kong may basa at alam kong umiiyak siya. Minsan lang umiyak si DJ kaya naman alam kong nasasaktan din siya pero nasasaktan din naman ako.

"DJ masakit kasi, sobrang sakit. Si Baby Daniel yun, Anak natin yun DJ."sabi ko at siniksik niya ko sa kanya kaya naman umiyak na din ako.

"Kath masakit din naman sa akin ang nangyari, Mahal na mahal ko kayo ng anak natin pero Kath kung masakit talaga at parang ayaw mo na kong makita, Bibigyan kita ng space kahit na ilang weeks, buwan o taon basta mag-aantay ako na.. na dumating yung time na mawawala na yung galit mo."sabi ni DJ sa akin kaya naman napayakap ako sa kanya. Ayokong mawala siya sa akin, Mahal na mahal ko siya.

SLH (The Special Book)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon